Chapter 3: Bintana

7.8K 287 55
                                    

"Maganda rin facilities nila dito no?"

DJ: "Oo nga."

EQ: "Mas maganda mga varsities"

Napalingon kami sa kanya at kita namin na nakatitig sa mga nagva-volleyball na babae.

"Hay nako. Manyakis"

EQ: "Anong manyakis ka jan?!"

"Manyakis? Di mo alam? Simple lang, E N R I Q U E manyakis!"

EQ: "Bawiin mo yang sinabi mo!"

"Aba bakit ko babawiin e nasabi ko na? Tsaka totoo naman"

DJ: "Bago pa masira ang eardrums ko sa inyo, makaalis na nga!"

Parang may kidlat na nagpanama sa mga mata namin ni Enrique sabay nagtalikuran!

Sinundan ko si DJ habang si Enrique e wala akong pake kung saan man napadpad yun!

"Tara ngang kumain. Nagugutom kasi ako."

DJ: "San mo ba gusto?"

"Kahit saan basta libre mo."

DJ: "Aba matinde."

"Sige na. Masyadong pinasasama ni Enrique ang araw ko."

DJ: "Yan bang pag-aaway nyong dalawa hindi na titigil? O excuse nyo lang dalawa yan pero may namamagitan sa inyo?"

"Nakakilabot yang mga sinasabi mong yan DJ! Jusko ha! Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Utang na loob. Si Enrique?! Neverrrr!!! Bakit naman kami magkakaroon ng pamamagitan? E ni hindi ko nga type yung mokong na yun! O sige attractive sya pero hindi sya kasing tino ninyo nina Enzo. Sa sobrang daming babae nyan, nako, di mo nga maiintindihan kung may mga panganay na yan e. Take note, MGA! baka marami ng anak yan! Di lang natin alam. Sa landi ba nyang yan! Hindi impossible.. Tsaka...."

Naglakad na lang sya dere-deretso at hindi na ako pinansin pero narinig ko ang bulong nyang... "Dami agad nasabi.. sakit sa tenga."

"HOY!!!!! Intayin mo nga ako! Di porket ex ka ni Kola nako nako!!!"

Di sya naimik at nakapamulsa lang.

Nakakita kami ng isang makakainan. Isang fastfood chain.

DJ: "Dito na lang tayo!"

"Oo nga. Gutom na rin ako e."

Kumuha kami ng table at umorder na si DJ.

Tapos narinig ko na nagriring ang phone sa bag ni DJ na iniwan nya sa upuan.

Sa ingay nito, kinuha ko para i-silent sana.

Nang makita ko na si Enrique ang tumatawag.

Ano na naman kayang problema ng tukmol na ito?! -__-

EQ: "Pare! San ka?"

"ULUL!"

EQ: "Bakit mo hawak ang cellphone ni DJ?!"

"E anong pake mo!?"

EQ: "Ibigay mo nga sa kanya. Hindi naman ikaw ang gusto kong kausap."

"Na-order sya ng pagkain! At akala mo ba gusto rin kitang kausap ha?!"

EQ: "Bakit, gusto rin ba kitang kausap?!"

"Tinanong mo ba kung gusto rin kitang kausap?!"

EQ: "Mas ayaw kitang kausap!!"

Uy, Mahal din ba kita? (UMK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon