EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part1)

Magsimula sa umpisa
                                    

napasmile ako, then tiningnan ko yung libro,, then tumingin ako sa kanya then nagsmile ule

T_T

makapal yung libro,, nakakahiya naman kung tumanggi ako,,, pero sa totoo eh di naman ako mahilig magbasa,, yung harry potter books nga namen eh ilang taon na inaalikabukan sa bahay.. tapos magbibigay pa tong lalakeng to ng isa pang libro na tiyak pamamahayan ng amag dahil sa di nababasa,,, haist gusto ko sabihin kay Peter na,, 'ayoko tanggapi mukang boring,,, xaka di ako nagbabasa ng libro' pero baka naman maoffend siya,, kung sabihin ko nalang na,, "Ui peter baka naman may movie version yan,, panoorin ko nalang.." dyusme,, sa huli tiyak ang mangyayare dito sa librong ibibigay niya eh patungan ng mga papel, o kaya tatambay nalang to sa taas ng cabinet namen,,

"Salamat ha,, pero,, baka nakakahiya naman sayo.. sayo to eh... wag mo na ibigay.."

Please peter tanggapin mo na.. wag mo na ibigay sakin,,, nakikita ko palng yung kapal niya eh baka di na ako makakain..

"Indi.. dont worry,,, ayos lang,, nabasa ko na naman to... isa to sa mga favorite ko,, gusto ko talaga ibigay sayo to.. kung gusto mo eh bigyan pa kita ng mga libro ko sa bahay"

O_O

Halah,, nagkalokoloko na,, di ba maalam makaramdam tong si Peter... dyusko balak pa ata magtayo ng library sa bahay ko..

"Nako.. Baka naman magmukang uod naman ako nan, ahahaha " joke ko kay Peter..

"ha? baket? anong uod?" tanong sakin ni Peter?

"Ahaha.. kasi Book worm,, eh baka maging uod na ko nan"

Tumawa ako ng malakas,, then tumingin ako sa kanya.. di siya natawa, di ko alam kung mababa ang sense of humor nito oh ano, corny ba yung joke ko??

" Indi ka naman magiging Uod pagnagbasa ka ah"

"Ano ka ba, joke lang yun.. to naman.."

"AKo kasi, Di ko ginagamit ang term na book worm,, i mean how come na book worm diba? libro tapos inuuod? i mean napaka ironic diba? inuuod lang ang isang bagay pagdi ginagamit tulad ng food inuuod yun pag matagal na di kinakain,, then why book worm sa taong mahilig magbasa ng book? gets mo yung point ko? parang mali kasi.. mas prefer ko ang bibliophile para sa mga taong mahilig magbasa ng libro,, Why book worm diba? uod ba maituturing ang taong mahilig magbasa ng libro?"

Napatigil at napatulala lang ako sa kanya,, an dami niyang sinabe,, eh nagjojoke lang naman ako... hello? sense of humor? sa sobrang talino ba nitong si peter eh pati yung sense of humor niya eh napatungan na ng mga learnings niya?

Dahil napatulala ako at dahil wala akong masabi eh nag end up nalang na pinapasok ko na yung book na bigay niya sa bag ko.

Nagvibrate yung cp ni Peter na nasa mesa kaya kinuha niya ito at binasa niya yung text,,

"Naku,, Anya,, Kailangan ko na pala umalis,, kailangan ko pa pala imeet yung mga members ng science club,, were planing to invent something na makakatunaw sa plastic na indi makakasira sa global warmng,,"

"Ahh.. okay.. sure.."

"O sige,, basta mayang lunch,, treat kita.."

NAgmamadaling umalis si Peter? at naiwan akong magisa,, akalain nyo yun? kinuha ko yung gamit at nilagay ko sa bag,,, di ko na sinabayan paglabas si Peter kasi nagmamadali siya, kaya magisa nalang ako umalis at nagdaretso sa room namen..

My 3 Days Boyfriends (M3DB) -SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon