"Saan mo ko pauupuin?? Sa compartment??" natatawang tanong nya at nakitawa naman ako sa kanya.

"A-Ahh hahaha.. Hindi.. Ihahatid ko lang naman sa Parking Lot sila Lee at Tob, may dala rin silang kotse.. Sasabay rin sila Michiko at BJ kay Tob, si Naih naman ay ganon rin kay Lee.. Kaya.. okay lang.."

"H-Hindi na hehehe.."

"Sigurado ka??"

"Mmm.. sasabay na lang ako sa school bus.." tanggi nya pa kaya naman hindi na ako nagpumilit pa. "Ingat kayo.."

"Kung gusto mo, magpahatid ka na lang kay Lee??" pagpipilit ko pa.

"Nako, hindi na hehehehe.. May kasama sya e.."

"Ihahatid ka lang naman e, okay lang kay Parrot yun.."

"Hahahaha! Ikaw talaga.. Hindi na, sige na.. Okay lang ako.."

"Yiiiieee.. Muling ibalik!!!!"

Gulat akong napatingin sa gilid ko nung biglang may sumigaw!

Napatingin ako kay Kim at natawa sya..

"Hahahaha.." tawa ni Kim.

"H-Hehehe.." kunwaring tawa ko naman.

"Uuy!"

"Yiiieee!"

"Kyyaa!!"

"Waaaaa!"

"Yaaaaa!"

♪ ♫ "Muling ibaaaalik.. ang tamis ng pag-ibig.." ♫ ♪

At sabay sabay silang nagkantahan!

Demmit!

Pilit ang ngiti'ng iginanti ko sa mga students na nanunukso samin ni Kim, pilit kong hindi ipinakita ang inis ko dahil ayaw ko namang masamain nila ang reaksyon ko..

Kaya naman hindi ko na pinilit si Kim.

"Sa school bus ka na talaga sasabay ah??" tanong ko pa.

"Mmm.. Doon na lang ako, salamat.." nakangiting sagot pa ni Kim at tumango naman ako.

"Salamat ulit sa payong, wag kang magpapaulan.. Baka magkasakit ka.."

"Salamat, ingat kayo.."

"Sige, kayo rin.." sabi ko na sinulyapan pa ang mga kaibigan nya at saka muling ngumiti. "Salamat ulit.. Ingat.." dagdag ko pa at saka tuluyang bumalik sa kotse ko.

"Aray! Ang likot mo naman e!" sigaw ni Taguro kay Parrot!

"P-Parrot.. nasasaktan yung girlfriend ko.." suway ko sa kanya at pinandilatan naman nya ako ng mga mata!

"Kung nasasaktan yan---mas masasaktan ako kaya wag kang OA dyan! Hahaha! Max! Urong!!!"

"Hahahaa! Saglit lang naman e! Hanggang dyan lang sa parking lot e! Buti na nga lang sinundo ako ng gwapo'ng gwapong boyfriend ko e hehehehe.. Hindi ko tuloy kailangang magmotor ngayon nyahahaha!!!!" dagdag pa ni Parrot at saka hinampas ang balikat ko!

"W-What?!" gulat na tanong ko.

"Bilis! Magdedate pa kami e heheheh!" biro nya pa kaya naman mabilis kong inilabas sa parking lot ang kotse ko.

"Hello??" si Michiko. Natahimik kaming lahat nung biglang may kausapin sya sa cellphone. "Sure ka?? O sige.. Mag-iingat kayo ah?? Kaaalis lang rin namin e.. Sige sige.. Sige.. O sige, bukas na lang.. Itext mo ko kapag nakauwi ka na ah?? Sige.. Sige.. Bye.. ingat!" napatingin pa ako sa kanya sa rear mirror. "Guys, sa school bus na daw sasabay si Migz.." si Michiko bago bumaba ng kotse ko nung marating namin ang parking lt. "Wag mo na daw sya balikan sa loob, Deib.. BJ, yung notebook daw nya ng Math, nasayo.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon