“Pare.” Approach ni Tristan sabay tapik sa balikat ko. Nagtaka ako sa mga oras na iyon. Anong ginagawa nya rito?! Masama pa ang loob ko sa lalaking to dahil sa ginawa niyang kagaguhan at pagtataksil sa bestfriend ko.

“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig kong pagtatanong.

“Ahmmm. Pwede ba kita makausap ng masinsinan Xander?” Sincere nyang paghingi ng pabor. Nagulat naman ako, masinsinan? Para saan? Wala na sila ni Colby di ba? Bukod kay Colby ay wala na kaming ibang connection pa ni Tristan.

“Para saan naman?”

“Tungkol kay Colby..” Nahihiya nyang sagot.

“Tungkol kay Colby? Ano pa bang kailangan mo sa kanya? Hindi pa ba sapat ang saktan mo sya? Ha?!” Medyo may pagtataas ng boses kong tugon.

“Huminahon ka Xander. Wala na akong intensyon na saktan pa syang muli. At nandito lang ako upang ibilin si Colby sayo. Ka-kasi.. Aalis na ako sa school na to..” Sagot nya na tila may lungkot sa mukha.

“Huh! Talagang hindi mo na siya masasaktan muli dahil sinasabi ko sayo, once na saktan mo pang muli ang bestfriend ko? Hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo Tristan..” Buong tapang kong sabi sa kanya. “Ano bang gusto mong sabihin?” Tanong ko sa kanya.

“Xander..” Pagtawag nya sabay hugot ng isang malalim na buntong hininga. “Una sa lahat, gustong gusto kong humingi ng tawad sa kanya, pero hindi ko magawa dahil kahit ako alam ko kung paano ko nasaktan at nasugatan ang puso nya.”

“Alam ko napatawad ka na nya. Kahit anong sakit at kahit gaanong kalaking sugat ang binuo mo sa puso nya, alam kong napatawad ka na nya. Ganyang kabuti ang bestfriend ko, ganyan ka nyang kamahal dati. Na sinayang mo..”

“I know..” Malungkot nyang tugon.

“Alam mo naman pala e. ikaw ang hirap kasi sayo pare, hindi mo iniisip ang mga risk ng ginagawa mong desisyon. Hindi mo alam kung may masasaktan basta ikaw masunod lang kung ano ang gusto mo. Hindi mo muna iniisip ng mabuti kung tama ba ang desisyon mo at makikinabang ka ba sa ginawa mong desisyon in future. Masyado kang nagpa-resist sa temptation. Sagutin mo ako? Diretsuhin mo nga ako? Pumunta ka ba dito para..” Napatigil ako at humugot ng isang malalim na paghinga. “Para bawiin muli sya dahil hindi ka na maligaya sa taong pinaglaban mo noon?” Tanong ko sa kanya. Tumaas na ang tono ng boses ko. Shit! Bakit nya sinasabi to?!

“Aaminin ko Xander. Oo, gustong-gusto ko syang balikan. Ang tanga tanga ko na binitawan ko siya. Ang tanga-tanga ko na hindi ko narealize at nadama ang pagmamahal nya sa akin noon. Ang tanga-tanga ko na tinangap ko si Rafael at binalikan kahit na alam ko naman ang maaring kahantungan namin.” Sabi niya na may pagtataas ng boses. Tumungo siya at napansin ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “At ngayon, pinagsisihan ko ang lahat. Ngayon ko nararamdaman ang sakit sa tuwing nakikita ko siyang masaya sayo. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya at nalimutan na ako na tuluyan. Nasasaktan ako Xander.. Oo na, ako na ang pinakatangang tao sa buong mundong to Xander pero mahal ko pa rin siya. Gustuhin ko man siyang balikan ngunit wala na akong mukhang ihaharap at… masaya na siya..”

My Second Attempt To LoveWhere stories live. Discover now