"She's every man worst nightmare." Vince rolled his eyes. "Kung gaano siya kaganda, kabaliktaran naman ng ugali niya. Siya ang blacksheep ng mga Alejo. Outcast, pasaway at man hater. Alam mo bang walang nagtatangkang lumapit sa kanya sa takot na mabugbog. Ito lang naman si Mark ang bukod tanging nakakalapit sa babaing iyon."

                "Hindi siya katulad ng iniisip ninyo. Maybe she's a rebel. But she is a good person."

                "Huwag mo nasiyang ipagtanggol." Binatukan ni Vince si Mark. "Baka nakakalimutan mo muntikan na niyang basagin ang ilong ko."

                "You deserved it!" Tinignan niya ng masama ang kaibigan. "Binalaan na kita. Pero hindi ka nakinig sa akin."

                "Fighting!" Biglang sigaw ni Tyron. Mabuti na lang at hindi pinatulan ng dalawa ang pambubuyo ng binata.

                "I want to meet her." Suddenly I said. Bigla akong na-curious sa tinutukoy nilang babae. "Nandito ba siya ngayon sa party?"

                "Meet who? Patricia?" Si Vince. "Huwag mo nang tangkain, pre'! Paniguradong pagsisihan mo habang buhay na nakilala mo siya."

                "He's right, Jared. Meeting her is like a hell," sang-ayon ni Tyron. "At saka wala siya rito. Hindi ang tipo niya ang uma-attend ng mga ganitong klaseng party."

                "Kung mahal mo pa ang buhay mo, stay away from her." Banat ulit ni Vince.

                Lalong lumakas ang pagtawa ko. "I don't believe you guys. Masyadong exagged ang description ninyo tungkol sa kanya. Besides, in the future magiging sister in law ko na rin naman siya. Sooner or later, mami-meet ko rin ng personal ang Patricia na tinutukoy ninyo."

                "Goodluck to you!" Sabay na sabi nina Vince at Tyron.

                "But you know guys, Patricia has the most beautiful face among the siblings," wala sa loob na sabi ni Mark.

                "I agree." Si Vince.

                "No doubt." Si Tyron.

                Nangingiti na umiling ako. Pagdating talaga sa magagandang babae ay nagkakasundo kaming magkakaibigan. Lalo lang tuloy akong na-curious na makita siya.

                "Wala na bang atrasan ang tungkol sa kasunduan ng mga pamilya ninyo?" Tanong sa akin ni Mark pagkaraan. "Si Pamela na ba talaga ng magiging fiancee mo?"

                "I guess, there is no turning back."

                Tinapik ako ni Vince sa balikat. "Why are you so lucky, Dude?"

                "Bakit ba ikaw na lang lagi ang nakakasalo ng mga naggagandahang babae na pinapangarap namin?" Pag-e-emote naman ni Tyron.

                "Aminin na kasi natin, si Jared ang pinakaguwapo sa ating lahat," sabat naman ni Mark.

                "No way! Ako pa rin ang pinakaguwapo sa ating lima." Biglang sumulpot si Riley kasama ang kanyang magandang asawa. Hindi ko inaasahan na narito rin silang dalawa sa party.

                "Riley, pare!" Kinuyog siya ng tatlo. "I thought you wouldn't come."

                "Hello beautiful!" Hinagod ko ng tingin si Muriel nang lapitan ko siya. She looks stunning as ever. Parang hindi siya nanggaling sa panganganak kay Rhamiel. "I thought you hate party?" Nakangisi na tanong ko sa kanya. Nakasimangot na ininguso niya ang asawa.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Место, где живут истории. Откройте их для себя