"Bakit ganon? Malayo namang maganda kami kesa sa'yo pero inunahan mo pa kami."

"Bata pa kasi tayo, itong si Ianna matanda na... malapit ng mawala sa kalendaryo kaya pinagbigyan na at pinauna na siya."

"Kaya pagbigyan na natin siya. Alam mo na, magbigay galang at daann sa mga nakakatanda."

Kung makapag-usap ang tatlo akala mo ay sila-sila lang ang tao sa lugar at hindi nakatutok ang mic sa gitna nila.

"Naririnig ko kayo!" Sigaw niya para marinig sila ng tatlo.

Blake leaned closer to her. "Relax." Biro nito.

"Sige na nga... seryoso na. We're happy for you." Simula ng isa sa triplets.

"I hope Blake's the one who will fill up the missing pieces in your life."

"At siyempre ganoon ka din kay Blake, for sure you'll turn his life upside down. No doubt."

She smiled at the three sisters. Makulit man at malakas mang-trip ang tatlong bunso nila, very touching naman kapag nagseryoso kahit  pa maikli lang ang mensahe nila... short yet if you read beyond the lines it leaves an impact.

"Ianna..." Sierra started. "I only have one wish for you, it's your happiness. The real one. You know what I mean." Makahulugan nitong saad. Then smiled sweetly at them.

She's not expecting her short message though. Sa kanilang lahat, si Sierra talaga ang ma-words of wisdom pero ngayon maikli lang ang mensahe nito. Pero kahit maikli, sapul na sapul naman ang katotohanan.

Sumunod pang nagbigay ang kanilang mga magulang at kanyang mga kuya ng mensahe.

Napigilan pa naman niya ang kanyang luha pero tuluyan na siyang napaiyak sa message ng kanyang daddy...

"Blake take care of our daughter. We didn't raised her like a princess just for you to hurt her, are we clear?" Tumango si Blake pagkatapos ay bumaling ang kanyang daddy sa kanya. "Princess, my one and only princess... thank you for granting our wish and making us happy. I know it's hard for you but I appreciate your effort, hija. Your mom and I appreciates it." She nodded mouthing 'your welcome' as tears begin to gather in her eyes. "Others say that we raised you like a brat but we really don't care. Anong magagawa ko diba? I want the best for my one and only princess. Anything that will make her happy, I'll give it to her. Kaya anak, kapag sinaktan ka ni Blake don't hesitate to come home. We'll definitely take you back without second thoughts. I guess this is really the part where I can say that Blake..." Napasinghap ang kanyang daddy, obviously trying to fight back the tears in his eyes. "Ipinapaubaya ko na sa'yo ang prinsesa namin, take our princess and make her your own queen."

Habang tumatango si Blake ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. She's not that emotional pero pagdating talaga sa parents niya, nagiging iyakin siya. That's how much she love them and that's the effect of her parents' love for her.

Naglabas ng panyo si Blake mula sa bulsa nito pero imbes na ilahad sa kanya, iginiya nito ang kanyang mukha paharap dito at ito mismo ang nagpunas ng kanyang mga luha.

"Now I fully understand your parents and I'm sorry for judging them the first time we met." He said sincerely.

Marahan siyang tumango. "You're forgiven and besides... it's all in the past now."

"Grabe naman pala iyang si Blake! Wagas mang-surprise. Napakabongga!!" Saad ng triplets ng magawi siya sa table ng kanyang mga kaibigan.

Si Blake naman ay nasa table ng mga oldies. Napasulyap siya sa asawa bago nagsalita. "I'm beyond surprised and impressed. Hindi ko talaga inakala ito mula sa kanya. Alam niyo naman kung paano iyan dati sa akin diba?"

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now