prologue.

111 5 6
                                    

Hindi ko alam kung bakit nahantong tayo sa ganito.

Parang kailan lang napaka-saya pa natin.

Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa.

Subukin ko mang ibalik ang lahat kaso wala na ata talagang pag-asa.

Wala ako sa katinoan. Hindi ko alam ginagawa ko noon.

At hindi ko alam kung paano ko nagawa sayo yun.

Kung maibabalik ko lang ang lahat...

"Tapos na tayo Jungkook!" sigaw niya habang umaagos ang mga luha sa kanyang mukha.

Doon ko lang napagtanto kung ano ang ginagawa ko.

Nakapulupot ang mga braso ko sa beywang ng isang babae, babaeng hindi ko mahal at lubos na kilala habang nakatingin sa akin ang babaeng nasaktan ko sa ginagawa ko.

"S-Shannen." Tawag ko sakanya at inalis ang pagkakahawak sa babae pero umiling siya, kitang kita sa mga mata niya ang pagkadismaya, lungkot at galit.

"H-Huwag na huwag mo na akong matatawag sa pangalan ko.." patuloy siya sa pag-iyak.

Ano ba itong nagawa ko.

"Nandidiri ako sayo!! Napaka-baboy mo!! Napaka walang hiya mo!" Sigaw niya.

"At ikaw! Hindi ka na nahiya, alam mong may girlfriend yung tao, tas papatulan mo!" napayuko ang kasama kong babae.

"Isang malutong na PUTANGINA MO JEON JUNGKOOK!" sigaw niya sa akin at saka pinunasan mga luha niya. "Magpakasaya ka sanang hayop ka." nakitang kong hinubad niya ang singsing... at saka tuluyang lumabas ng apartment naming... dalawa.

Tangina mo Jeon Jungkook.

Circles • Jungkook FFWhere stories live. Discover now