Prologue

625 11 7
  • Dedicated to Sunshine.. ^^
                                    

PROLOGUE.

Hindi ako biniyayaan ng Diyos ng magandang boses para kumanta.

O ng mahuhusay na kamay para mag-drowing at magpinta.

O ng long legs para mag-model at ng napaka-perpektong  mukha para mag-artista.

O ng alien superpowers para makapagbasa ng isipan ng iba .

Isa lamang akong hamak na……..

Dancer.

Isang pipitsuging mananayaw na nangangarap na maging professional balang araw.

Sabi nila.. Sikap, tsaga, pagpupursige at determinasyon  lang ang kaylangan para matupad ang pangarap mo.

Naniniwala akong walang bagay na hindi mo makukuha kung ito'y pinaghihirapan. Naniniwala din akong darating ang lahat sa tamang oras. Hindi dapat magmadali.

Iisang lalaki lang ang gusto, ginusto at gugustuhin ko.

Ang hirap pala ng one-sided love noh?

Kahit masakit, at tagus-tagusan na, wala ka paring magawa. Kasi wala ka namang karapatan.

Hindi naman kayo.

Hindi nga siya nagpapakita ng motibong may gusto siya sa'yo eh.

Mahirap naman mag-assume. Nakamamatay daw yun.

Pero isa ang ang alam ko. Na hindi ako susuko!!

HINDI KO SIYA SUSUKUAN!

"Love is a choice, not a predetermined destiny" ika nga.

Kung susuko ako, may mangyayari ba? WALA!

Konting ire nalang sana. Abot kamay ko na ang rurok ng tagumpay. Abot kamay ko na lahat. Ang pangarap na matagal ko ng inasam.

Sa akin na lumapit ang grasya eh... Kaso...

Nagbago ang lahat. Nagbago ang lahat dahil katulad ng iba…

Ako ay nainlab. *kindat*

Dream On!Where stories live. Discover now