The two had lunch together and started talking some more. Pinag-usapan nila kung bakit kinailangang magresign ni Sarah at ibang personal na mga bagay tungkol sa kanilang dalawa. At sa pagkekwentuhan nila ay may nalaman pa silang kaunti tungkol sa isa’t isa at kasama na rito ang pareho silang in a relationship na wala pang isang taon. Wala na silang klase sa hapon kaya’t nagtulong silang gumawa ng mga materials at teaching aids para sa klase kinabukasan. Habang nagtatrabaho ay patuloy pa rin ang kwentuhan ng dalawa.

“Siguro before your last day, let’s go out. Who knows baka matagalan pa bago tayo magkita ulit or baka hindi na nga eh,” sabi ni Carlie.

“Sige, game ako d’yan. You can bring your boyfriend and I’ll bring mine.”

“That’s a great idea. And speaking of boyfriend, he’s gonna pick me up later. I’ll introduce you to him.”

“Tamang-tama, susunduin rin ako ng boyfriend  ko. May lakad ba kayo mamaya? Ngayon na tayo lumabas. Tutal nandito na rin naman tayong lahat eh. What do you say?”

“That’s a great idea!”

“Great! I know a place.”

A few minutes before 4 o’clock, dumating si Gerald at kasunod naman si Andrew. Sabay silang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa gate. Nang makarating doon ay nagkatinginan sila and both recognized each other.

“Pare, Gerald. My girlfriend and I were at your restaurant last week,” pagbati ni Gerald habang inaabot ang kamay for a handshake.

“Oo pare, I remember you. May sinusundo ka dito sa school?”

“Yeah. I’m waiting for my girlfriend. She’s a teacher here. She just started today actually.”

“Really? What a small world. I’m here to pick up my girlfriend as well. Sarah has been teaching here for over a year already.”

Hindi maipaliwanag ni Gerald ang paglukso ng puso n’ya nang marinig ang pangalan ng dating kasintahan. Bigla n’yang naalala ang babaeng nakita n’ya kaninang umaga at lumakas ang hinala n’yang si Sarah nga iyon – his Sarah. Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig muli na nagsasalita si Andrew.

“O ‘eto na pala sila eh. Mukhang naging magkaibigan na ang mga girlfriends natin.”

Lumingon si Gerald sa direksyon kung saan nakatingin si Andrew at nagulat nang makita ang babaeng dating nagpaikot ng mundo n’ya. Para s’yang binuhusan ng napakalamig na tubig nang makitang nakikipagtawanan si Sarah kay Carlie. Nakatitig lamang s’ya sa kanila at hindi n’ya namalayang nakalapit na pala ang mga ito sa kanila.

Dahil nakikipagtawanan si Sarah kay Carlie habang naglalakad papunta sa gate, hindi n’ya napansin na naroon na pala si Andrew at may kasama ring naghihintay. Nagulat s’ya nang mas nakalapit na sila sa kanila ay mukha ni Gerald na parang namumutla ang tumambad sa kanya.

“Hi Sweety,” ang bati ni Carlie kay Gerald. “O bakit parang namumutla ka ‘ata? Okay ka lang ba?”

Without YouWhere stories live. Discover now