MYSTERY CALLER

26 0 0
                                    

"Joeeey! How are you?" Masayang pagbati ni Mae.. classmate ko nung gradeschool.. nagpunta kasi ako sa meeting ng class reunion namin...

"I'm good..." Sabay beso sa kanya. 

"Buti naman at nakapunta ka sa meeting....sabi kasi nito ni Leilani di ka makakapunta..."

"Naku, paanong hindi e ang kulit iyan ni Leilani! Saka medyo maluwag naman ako ngayon sa office so okay lang..."

"That's good to hear,.. teka may inaantay pa ba tayo?"

Maya-maya pa ay bigla na lamang sila nagsigawan....

"Bryaaaaan!!"
"Shocks! ang gwapo mo ahh!
"Buti pumunta ka?"

ANAK NG TIMAWA TALAGA! Ano bang ginagawa ng unggoy na yan dito?!

"So... Ms. Skeleton is also here eh?" naglahad ito ng kamay para maki-pag shake hands sabay ngiti sa akin. tinignan ko lamang iyon. the nerve of this guy. 

"And so as with you Monkey man!" at inirapan ko sya. akala nya ata makukuha nya ko sa pagpapa-cute nya. 

"Hanggang ngayon pa ba hindi pa rin kayo nagbabati?" Pag-aawat ni Tyrone sa aming dalawa ni unggoy. Nagtinginan lang kami ni Bryan at kung cartoons kami, makikita ang kuryente sa pagitan ng aming mga mata. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya sa akin nung isang araw.

Halos mag 8pm na ng matapos ang aming meeting para sa reunion...

"uy, guys.. sorry i have to go.. may pasok pa ako..." pagpapaalam ko...

"Aww.. kabitin naman to c Joey!"

"Di bale babawi ako sa reunion promise! Cge na ah.. malelate na ako eh..."

Papaalis na ako ng makita ko sina Tyrone at Bryan na naguusap...

BRYAN's POV

"Teka.. may gusto lang ako itanong dude.. when were in grade school, diba we dared you to kiss your crush..sino ba yung kiniss mo nun? kasi pagbalik mo may black eye ka na eh.." Napatanga na lang ako sa tanong ni Tyrone.. sasagot na sana ako ng biglang makita ko si Joey..

"Joey!" Tumayo ako at sinundan si Joey.. sinadya ko yun para d na ako kulitin nina Tyrone.. kaso inisnab lang nya ako...

"Joey!" Dedma pa rin at dire-diretso lang sa paglakad... napahilamos ko nlng ang kamay ko sa aking mukha.

"Joey!" Sa pangatlong tawag ko ay hinila ko na sya at iniharap sa akin..

"Ano ba?! Bitiwan mo nga akong unggoy ka!" Kalma lang Bryan.. wag ka na pumatol.. may ilang segundo lang akong napatingin sa kanya at saka lamang napansin na ang mga nya ay tila nagaantay ng kasagutan...

"Ahh..paalis ka na ba?  hatid na kita sa office nyo... gabi na.. mahirap sumakay ng tax--" di pa man ako tapos sa tanong ko eh nakasagot na ito...

"No thanks! Ayokong magpahatid sa unggoy!" I was startled... that's it!!

"Alam mo, ikaw ang pabebe mo masyado...ikaw na nga ang ihahatid, ikaw pa maarte.. buti nga may nagaalok pa maghatid sayo... arte mo! Payatot! Cge mag taxi ka na lang...sana hindi ka makatyempo ng taxi driver na rapist.. Ms. Skeleton k pa naman! Baka mahirapan ka makawala kapag hinawakan ka ng mahigpit sa kamay!" Medyo nagulat din ako sa mga nasabi ko, pero too late na para pogilan pa ang bibig ko.. pabalik na ako sa loob ng restaurant ng biglang..

"Teka.. cge na ihatid mo na ako..."

JOEY's POV

Ayoko naman kasi tlaga magpahatid.. kaso sa mga sinabi nya, gaganahan pa ba ako magtaxi mag-isa? Hindi na lang nya hiniling na ma-rape na sana ako..

"Joey... i-i want to..."

KRIIIIING

Di nya sinagot ang tawag at napatingin ako sa kanya... ilang beses na kasi tumatawag yun kay Bryan at di naman nya sinasagot... Anong problema nito?

KRIIIIIING

Ganon nanaman ang ginawa nya.. tinignan lamang ito at di sinagot ang tawag....

"Sino ba yung tumatawag sayo? Girlfriend mo b? Bakit ayaw m sagutin? Ge lang sagutin mo.. d naman ako makikinig..." Then he just snorted...

"W-wala yun... just dont mind it.." sagot nya pero halata sa boses nya ang pangamba...

"Okay.. Ahhm ano pala sasabihin mo?"

"Ha? Ahm.. nothing.. nakalimutan ko na.."

Then after a few minutes ay nakarating na rin kami sa office ko...

KRRIIIINNG

Tumawag nanaman yung 'caller' niya.. and he did the same thing lang.. oh well like i care...

"Uh... thanks for the ride.." i told him once i unloaded.myself from his car... he stared at me and gave me his sweet smile.. doon ko lang napansin na ang gwapo nya pala... mas bagay ang naka-ngiti sa kanya... ang natatamdaan ko lang kasi eh ang tawa nyang mapang-asar...

"The pleasure is mine... you take care!" I was startled. The next thing i knew was paalis na sya...

Anyayare dun? Kanina lang nangaasar sya... tas biglang naging concern na....

GRANDMA GLORIA's POV

"What the-- He cuts me off again?!"

ME AND THE BOY NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon