INTRO

74 1 0
                                    

****GRADE 1. ONE WEEK AFTER NG PASUKAN****

Bilang bago lang ako noon sa Greencross College... tahimik lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang mga bago kong kaklase...tapos biglang may lumapit sa aking mga lalaki...

"hoy taba! Umalis ka nga dyan sa upuan ko!"

"sabi ni teacher pwede ako umupo kahit saan..."

"matapang ka ah.. hindi mo ba ko kilala?"

"hindi. Bakit sino ka ba?!"

"good morning class!"

"good morning teacher.."

"Class, you have a new classmate...kindly please introduce yourself..."

Lumapit nga ako sa harapan at kagaya ng gnagawa kapag first day of classes, I introduced myself.

"Good morning, my name is Joanna Mari Salcedo.. pwede nyo ko tawaging Joey..sana maging magkaibigan tayong lahat..."

"Maraming salamat Joey, pwede ka nang maupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ni Bryan Santillan..." sabi ng teacher namin. Lumapit na ako dun sa sinasabi ng teacher ko na si Bryan... sya yung nagpapa-alis sa akin sa upuan ko kanina... paupo na ako ng...

BOG.

Oo. Bog nga. Nahulog ako sa upuan, dahil hinila papalayo ni Bryan ang upuan ko...kaya naman humalik ang pwet ko sa sahig.

"hahahahah!!!"

"Bryan! Anu yang gnawa mo?!"

"buti nga sayo! Bleh-ble-ble-ble-bleee!!"

BOG.

oo. Bog ulit. Papatalo ba ako. Syempre hindi. Anong gnawa ko? Sinuntok ko sa mukha. Bwaahahahah!!

"stop it you two!"

"ikaw talaga Bryan! Napaka-pilyo mo! Umm!"

Pingot si Bryan.

BRYAN- 0

JOEY-1

****GRADE 4: PE CLASS. VOLLEYBALL.****

"ganito ang tamang paghampas ng bola.."

(TEACHER DEMONSTRATES)

"Okay?! Nakuha nyo ba? Sige gawin nyo na..."

(STUDENTS GAGAWIN ANG PAGPALO)

TOK.

"Aray! Ano ba?! nananadya ka ba? Kanina ka pa ah!"

"hindi no. ang taba mo kasi. Sakop mo yung space na babagsakan ng bola. Hahahah!!"

(CLASSMATES LAUGHING)

Dinedma ko na lang kasi ayokong mag-init ulo ko...ang kaso.... Nag make face na lang ako papalayo kay Bryan.

TOK.

Dinedma ko pa rin.

TOK.

Sa pangatlong pananadya nyang itama sa akin ang bola, ay hindi na ako nakapag pigil pa... lumapit ako sa pinu-pwestuhan nina Bryan at ng iba naming mga kaklase na kasama nyang nang-aasar sa akin..

"huy Joey, anung gagawin mo? Office nanaman kayo nyan!"

"BRYAN PALITO!"

Saktong pag tingin nya sa akin, hindi pa sya nakakasalita...

BOG.

Ibinato ko ang bola ng volleyball sa mukha nya!

(PITO)

ME AND THE BOY NEXT DOORWhere stories live. Discover now