Si Pibi nasa counter at nakatulala lang don sa iniikot-ikot nyang magic ball. Naku sa itsura ni Piboy na yan di nyan nakita si Nathan for sure. 😏

"Hoy! Lover boy! Tapos ka na dyan??"

Muntikan na ko mahulog sa ladder sa sobrang gulat kay Kuya Paul.

"Kuya Paul naman! Walang gulatan!" Reklamo ko habang maingat na bumababa ng hagdan. Mahirap na ayokong grumaduate ng pilay.

"Tulungan mo ko dun sa likod dali." Sabi nya pagkababa ko.

I followed him.

"Ano yan?" Tanong ko pagkakita dun sa mga nakapatas na bakal at plywood na mukang iaassemble pa.

"Mini stage. Ye know for tomorrow night." He grinned at me.

Excited amputs. Hahaha! 😂

Syempre napangiti na lang rin ako at tinulungan sya, alangan naman i-voice out ko pa diba?? Eh di sinapak ako nito.

Binuhat namin ni Kuya Paul papasok yung mga bakal at plywood. Tinulungan ko na rin ayusin yun sa isang corner dun sa shop. Nilatagan ni Ate Liv ng red cloth yung paligid para hindi kita yung ilalim.

Tapos papatungan nya pa sana ng blue ulit kaso nahagip ni Kuya Paul ang kamay nya.

"Oppps! Anong binabalak mo Olivia??"

Ate Liv narrowed her eyes. "Malamang nilalagyan pa ng design to. It looks lame."

Kuya Paul sighed," we don't want to over decorate it."

Ate Liv rolled her eyes," we don't want to let it be ugly and lame!"

Sumagot pa si Kuya Paul pero hinayaan ko na lang sila magtalo don. At lumapit na lang ako kay Pibi.

"Manang pahula nga. Ilan magiging anak ko?" Pang-aasar ko kay Pibi. Hawak nya pa rin yung magic ball.

She raised her right brow at me.

"Wala. Baog ka." She said in a flat tone.

"Tangina! Magknock on the wood ka nga!" I pulled her hand and forced her to knock on the counter top.

She chuckled."Ang O.A. mo!"

I smiled at her. "At least napatawa kita, wala ng oorder na customer sayo sa sobrang tiger look mo dyan."

She snorted. "I just feel off today."

"Bakit di mo nakita si Nathan?" I leaned closer.

"Nah. Hindi yon nagkita kami kanina. He even dropped me off here." She replied.

"So what ticks you off?"

She shrugged.

"Come on Pibs. Kilala kita. I know something is wrong."

SNIPPET OF A FAIRYTALEWhere stories live. Discover now