I gave her a cold look.

At buti naman nakuha ko sa tingin si Andeng. She pulled her wtf stance and went back to her normal self.

"Fine. Wala dito ang jowa mo." she replied

Napa-huh face na lang ako.
Kelan pa umalis?? Bakit di ko namalayan??

"San pumunta?"

"Who knows?" back to her abnormal self.

😫 Takte. Pakibitay na ng katabi ko.

"Andeng minsan wag mo hahayaang masapian ka ni Roxane ha?!"

"She doesn't make sapi to anyone kaya."

I decided to ignore her, kesa sumabog ang utak ko sa pag-unawa sa pagkatao nitong si Andeng.

Few minutes after, the bell rang.

"SHEEEET! UWIAN NA!" Andeng threw her fist on the air.

"Hoy. Uwian ka dyan cleaners tayo." Sabi naman ni Sean sabay hila sa bag ni Andeng.

Nagmamadali naman akong lumabas para sana hanapin si Nathan.

"Hoooy! May meeting ang club!" Angie, one of our classmates shouted at me.

Tsk. Oo nga pala. May passing of responsibilities and chorvaness pa nga pala sa club namin today. Ugh.

ZOEY

Ang hirap naman ng ganito, may sariling bahay ka pero hindi ka makauwi. At dahil pa sa tatay mo. Ang BS ng buhay ko. 😒

Umalis na ako kila Chino. Ayoko naman kaseng madatnan pa ako ng parents nya dun. Kinausap pa ako si Chino na okay lang naman talaga kung magstay ako sa kanila sabi na rin daw ng parents nya kaso desisyon ko na talaga yung umalis. Kahit alam kong mabait ang family nila Chino ayoko naman abusuhin, tsaka minsan lang sila makumpleto, eeksena pa ko.

Buti na lang may maliit na space dito sa café nila Pibi. Dun sa may locker room. Pumayag naman si Tita Mia na dun muna ako magstay hanggat di ko pa nafifigure out ang gagawin sa buhay ko. 😔

Natigil ako sa pag-eemo nung pumasok si Ate Liv sa locker room habang nagtatanggal ako ng sapatos.

"Zo, pa-help naman dun sa curtains. Ang arte kase ni Paul gusto pa palitan lahat!" nakasimangot na sabi nya.

"Sure sige. Susunod na ko." I replied.

Paglabas ko sa shop sobrang busy nila lahat. Medyo marami na rin tao pero hindi naman yun ang main reason ng pagkabusy ng mga tao dito, kundi ang event bukas ng gabi.

"Krey! Ako na dyan." Sabi ko pagkalapit ka Krey na struggle sa pagkakabit nung ibang decor sa may ceiling.

"Uy Zoey thank you. Life saver ka! Nahihilo na ko sa pinagkakakabit ko na to." Sabi nya sabay abot sakin nung mga glow in the dark na stars ang shape.

SNIPPET OF A FAIRYTALEWhere stories live. Discover now