"HAHAHAHA! SI MAMA SITA YON!" sabay na sabi nila.
Sobrang saya lang yung dalawa, na pati sila Arci at lahat ng nasa table natawa na rin. Kahit si Teddy nakangiti rin.
"Old habits die hard..." bulong ni Nathan kay Pibi.
May mga mini games pa sila after the dinner. Pero hindi sila masyado nagparticipate, nadya-dyahe kase sila dun sa mga college buddies nila Paul.
Pero nung nag-kalamansi relay na hindi sila nagpaawat. Namaster na yata ng barkada nila yon kaya naman as expected sila ang nanalo.
Tapos nagsalita sila Liv at Paul.
They thanked everyone who came at syempre reminisce tungkol sa first days nila sa shop. Nagprepare pa si Zoey at Pibi ng slide show presentation ng naipon nilang pictures at videos sa shop kasama ang mga crew. Liv was crying a lot, pagkahawak nya pa lang sa mic humagulhol na kagad sya. Naghiyawan tuloy yung mga kaibigan nya, pero si Pibi iyak rin ng iyak.
"This coffeeshop had been a great part of my life... Alam nyo yun... Ang dami kong nalaman, at natutunan dito... bukod sa pagbrew-brew ng kape." Tawanan naman ang mga tao. "This is where I learned a lot about myself. Ang dami kong nakilala thru this shop... Friends, and more friends." Liv glanced at their table. Hindi namalayan ni Andeng na tumutulo na rin ang luha nya.
"Kaya sobrang thank you Mam Mia. For letting me work here, kahit obvious na yung mga libro mo lang ang habol ko nung araw na nag-apply ako dito." Tawanan ulit sila. Pati na rin ang Mama ni Pibi.
"No matter where this life leads me, I know I will always find my way back in this place." She bowed and put the mic on the stand.
They gave her an applause.
"Kingina si Ate Liv, sisipunin ako nito eh." Sabi ni Andeng sabay pahid ng luha.
"Oy si Piboy?" nun lang nila namalayan na nawawala na si Pibi.
"Nakita ko sya eh, papunta dun. She's crying." sabi ni Teddy na tinuturo ang locker.
Tumayo si Nathan para sundan ang girlfriend.
Naabutan nya si Pibi na nakaupo sa sahig, with her between her two knees, and she's crying. Hindi yung simpleng iyak lang. She's crying like hell.
Dahan-dahan syang lumapit kay Pibi at umupo sa tabi nito.
Ilang minuto nya rin hinayaan umiyak si Pibi bago nya kinuha ang kamay nito.
Nathan moved closer and put his arms around her.
"Pat..."
*sobs*
"I know... Goodbyes are hard..."
*sobs*
"But sometimes we just have to accept it because it's for the better. Like us, we will have to temporary live separately for our future but that doesn't mean na magkakalimutan na-"
Pibi looked at him. Nathan felt surprise to see anger in her eyes instead of pain.
"What do you even know about it Nate? Sating dalawa ikaw rin yung aalis, ako na naman yung maiiwan dito! Do you have any idea how it feels? To be left behind by people you love? Reagan, Kuya Paul, Ate Liv, and... You." she moved away from him.
YOU ARE READING
SNIPPET OF A FAIRYTALE
Teen FictionThis story is basically about how Highschool is full of fun and painful memories. PURE TEENAGE HORMONES A TRUE STORY OF FRIENDSHIP, RELATIONSHIPS(SHITS) AND STUDIES.
Purpose
Start from the beginning
