Chapter 20

1.1K 12 7
                                    

Chapter 20

"Starting tomorrow, wear slacks instead of skirts." Salubong agad sa kanya ni Andrew pag-uwi nya sa bahay nila.

"Why? Maayos naman to ah." Tanggi nya. Tiningnan nya ang sarili tsaka tumingin sa nakasimangot na mukha ni Andrew.

"Anong maayos dyan? Ang iksi. Tsaka yang blouse mo, kitang-kita ang cleavage mo. Pwede ba Aya, bukas isarado mo na yang coat mo." Nakasimangot pa rin ang mukha nito.

"Eh magmumukha akong manang nyan! Wala naman akong nakikitang mali sa ayos ko ah? Lahat ng empleyado mo ganito rin manamit." Nangunot ang noo nya bilang reaksyon sa mga sinasabi ni Andrew sa kanya.

"Hindi mo ba nakita kanina na halos hubaran ka na ni Mr. Ortiz?" nakataas ang kilay nito habang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa.

Napangiti sya sa sinabi nito. "Ah yung kanina ba? Bakit, selos ka?" tukso nya.

"Selos? Hindi ko lang gusto na binabastos ka. Lalong-lalo na ng matandang yun. Kilala sya sa pagiging manyak. Ilang empleyado na ang nakukuha nya gamit ang pera nya." naninding ang balahibo nya sa sinabi ni Andrew.

"May pumapatol pa pala dun? Well, not me kaya you don't have to worry. Hindi ako komportable tsaka ito na ang uso ngayon." Kita nya sa mga mata ni Andrew na pursigido ito kaya nag-isip sya ng maraming idadahilan.

"But-"

Hindi na nya ito pinatapos at agad na sumingit. "Promise! I'll kick him where it hurts the most kapag sinubukan nya ako. Just don't ask me to wear those slacks at kung anu-ano pa." she looked him na parang nagmamatigas kaya alam nyang hindi na rin ito aapela pa.

He sighed. "Okay. Just make sure you'll do that. Or else." Binigyan sya nito ng nagbabantang tingin bago ito umalis sa harapan nya.

--------

"What?!" halos mapasigaw si Shiella ng ikwento nya ang lahat. Ngayon lang ito nakauwi at agad na tumawag sa kanya para makibalita. Nasa isang restaurant sila at hinihintay si Migz.

"Oo, Mads. He's kind naman." Tukoy nya kay Andrew.

"Pero nahihirapan ka naman sa mommy nya. Naku mayayaman talaga." Naka-isimid na pahayag ni Shiella habang patingin-tingin lang sa menu sa harapan nila.

"Hindi naman lahat. Ang bait nga nung anak eh." Syempre ipagtatanggol nya si Andrew na talaga namang mabait sa kanya.

Shiella gave her a suspicious look. "Baka naman- " sinadya pa talaga nitong ibitin ang sasabihin pero knowing her bestfriend, alam na nya kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon.

"Of course not!" depensa agad nya.

"May sinabi ba ako? Hmmm." At talagang nanunukso na ang tingin nito sa kanya.

"I know you, Mads. Wag ka na." nagkatawan sila sa sinabi nya.

Whirlwind Wedding with Mr. IDKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon