Chapter 5

1.1K 9 1
                                    

Chapter 5

 

It’s good to be back. Naisip ni Luis sa sarili habang nilalanghap ang hangin sa labas ng NAIA airport.

Three years ago after he graduated Civil Engineering at pumasa sa board exam ay kumuha sya ng two-year course na Business Administration sa America. It was his fathers request para umano maging handa sya sa pag-take over nito bilang CEO sa Castillon-Llamas Builders. Isa itong kompanya na kinabibilangan ng iba’t ibang klase ng engineers lalung-lalo na ng mga civil engineers. Ang kompanya nila ang isa sa mga nangunguna pagdating sa paggawa ng iba’t ibang klase ng buildings. Marami din silang branches na nagkalat hindi lang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang bansa. Sa Pilipinas ang kanilang main kaya naroon ang opisina ng kanyang ama na dating CEO.

It was a company built by his father at ng kaibigan nito. Magkahati nila itong binuo ng kaibigang si Emmanuel Llamas but Emmanuel didn’t bother to build a family. He died on lung cancer leaving the company to his father.

The company went smooth but like any other company, dumaan ito sa matinding krisis. At ang tanging makapagsasalba lang dito ay ang gamitin ang perang itinabi ni Emmanuel. Hindi nila ito ginalaw out of respect nila dito bilang co-owner ng kompanya. To their surprise, Emmanuel left a final testament saying that Luis should marry Ayanna delos Santos. And he did it without questioning why. Gagawin nya ang lahat para masalba ang kompanyang pinaghirapan ng ama at hindi nya hahayaan na magutom ang mga pamilya ng mga tauhan nila.

Now he is back to take over and sort things out. Mahaba na rin ang tatlong taon para makapag-isip sya ng mga hakbang na gagawin. Not only to the company but also to his wife. Tatlong taon din nya itong hindi nakita at tanging mga regalo at padala lang natatanggap nito mula sa kanya.

“Good morning sir. Pasensya na po kung naghintay kayo medyo traffic ho kasi” hinging paumanhin ng family driver nila.

“It’s okay manong Alfonso. Kalalabas ko pa lang naman po” nakangiting saad nya dito. Ilang taon din itong tapat na nagsilbi sa kanila.

Sumakay na sya at nagpahatid na sa mansion nila kung saan nakatira din ang Mommy nya. May sarili syang condo pero minsan lang nya ito inuuwian dahil na rin sa pakiusap ng Mom nya. May pagka-dumenante ito at gusto na laging nasusunod ang desisyon.

Nang mamatay and Daddy nya ay dumaan ito sa matinding depresyon na naging sanhi ng pagkakaroon nito ng sakit sa puso. That’s what his mother keeps on reminding him.

Idinadaan sya nito sa emotional blackmail para masunod ang gusto nito. Hindi din nila ipinaalam dito ang pag-aasawa nya dahil alam nyang tututol ito. May napupusuan itong babae para sa kanya. But for him, she was just a friend. Kailanma’y hindi sya nakaramdam ng espesyal na pagtingin para sa babae.

“Kumusta naman ho kayo sa mansyon Mang Alfonso?” tanong nya sa driver nila. Alam nyang hindi madali ang makasama sa iisang bubong ang mom nya. Lumalala ang pagiging diktador nito simula nung mawala ang dad nya.

Whirlwind Wedding with Mr. IDKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon