Chapter 9

1K 7 0
                                    

Chapter 9

 

“What Shiella and I have is a secret. Pero hindi katulad ng inaakala mo. Bakla ako.” Nakayukong sabi nito.

 

 

Nabibingi na ata sya? Parang mali ata ang narinig nya sa sinabi ni Migz.

“A-anong sabi mo? Mali ata yung narinig ko.” naguguluhang tanong nya kay Migz.

“You heard me right Ayanna. Bakla ako.” Nakayuko pa ring sabi nito.

Hindi agad sya naka-imik. Kung nagbibiro lang ang dalawa ay sana tumigil na ang mga ito. Hindi sya natatawa sa sinabi ni Migz. Lalo syang nagalit dahil alam nyang nagsisinungaling pa rin ito.

“You’re kidding right? Paano ka magiging bading?” tanong nya kay Migz. Kailan man ay hindi nya ito nakakitaan ng senyales na bading nga ito. Alam nyang pino itong kumilos pero kahit ganun ito ay hindi sya naghinala na bading nga ang nobyo.

“No, I’m not. Paano? Anong klaseng tanong ba yan Ayanna? Kung alam ko ay sana naiwasan ko ng hindi ako nahihirapan ng ganito.” Mahabang sagot nito sa mga tanong nya.

Napatayo sya ng wala sa oras. Kulang ang sabihin na nagulat sya dahil talagang natigalgal sya. Her boyfriend for 3 years is a gay? Heck! Paano nya sasabihin iyon sa papa nya? Isa pa, mahal nya si Migz at hindi nya alam kung anong gagawin.

“Hindi ka ba naniniwala?” tanong ni Migz sa kanya na ngayo’y nakatingala at nakatingin sa kanya.

Umiling lang sya. A part of her believes. Sa loob ng tatlong taon na magkasama sila ni Migz ay kahit kelan hindi sila nagkaroon ng intimate time. Kung ang iba na tumagal din tulad nila ay may anak anak na, sila ni Migz ay hanggang smack lang sa labi. Hindi naman sa manyak sya o kung ano pa man pero nagtataka sya. Hindi sila lumampas sa simpleng halik at yakap.

Whirlwind Wedding with Mr. IDKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon