"Gagawin ko po Dad....sa makalawa po ay pipilitin kong makauwi ng pilipinas." Sagot ni Adam.

Pagkatapos ng usapan nila ng kanyang ama ay lumabas na sya ng building ng kumpanya nila.

Tinawagan nya si Dominique...

"Hello Dom....uuwi ako ng Pilipinas sa makalawa pwede bang huwag na huwag mong iiwan si Andy  

hanggat wala ako, si Mommy kase...uuwi dyan para manggulo.."

Russell's POV

Nakasunod si Andy sa akin habang naglalakad kami papunta isa sa mga paborito kong tambayan kapag  

umuuwi ako dito, sa may tabing ilog, may isang puno kase doon na nilagyan ni Shawn ng dalawang  

duyan para sa amin kung balak naming mamahinga doon, si Andy yung may Bitbit ng basket ng pagkaing  

dala ko para sa kanya. Pagkarating namin doon ay agad akong naupo sa duyan at yumuko, akala ko uupo  

sya sa isa pang duyan kaso umupo sya sa harap ko at nakahawak sa dalawang tuhod ko . nakatitig sya sa  

mukha ko kya yumuko ako at nag iwas ng titig sa kanya at saka nya iniipit yung buhok na nagkukubli sa  

mukha ko sa may likod ng tenga ko.

"anong problema?" mahinahong tanong nya sa akin

Umiling ako at tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.napabuntong hininga sya

"Mas maganda ka dun sa pinsan mo...." Nakangiti nyang sabi sa akin  

"Di ako naiinsecure dun noh!.....bakit ba lapit ng lapit sayo yun? " naiinis kong tanong sa kanya  

"aba! Malay ko...mas napagod pa nga akong iwasan yun kanina kesa sa gawain sa bukid...." Sabi nya  

"asar yun!" bulong ko  

"alam mo ba marunong na kong magtanim ng gulay....at saka kanina nanguha kami ni max ng bunga ng

mangga... ang saya dito sa inyo" pag iiba nya ng topic at sobrang saya nga ng mga mata nya.  

"dahil dyan,bibigyan kita ng reward kapag tapos na kayo nina Mang Teban sa gulayan...mamasyal tayo

sa may waterfalls,magpapaalam ako kay Papa mamaya..." nakangiti kong sabi sa kanya at para syang  

bata sa saya nya.  

Kinain nya yung dala kong pagkain at paminsan minsan sinusubuan ko sya.

Andy's POV

Pagkatapos namin sa gawaing bukid ay dumeretso na agad ako ng uwi sa bahay nina Mang Teban,  

excited kase akong maglibot kasama yung baby ko....naligo kaagad ako at nagpalit ng damit, shorts at t

shirt lang yung sinuot ko. Pagkabihis ko ay bumaba na ako, nadatnan ko si Russell at Max na  

nagkukwentuhan sa salas at tawa ng tawa si Russell...malamang yung mga kapalpakan ko sa palayan  

yung kinukwento nitong Si Max sa baby ko.

"ano yang pinagkukwentuhan nyo?" tanong ko sa kanila at saka ako lumapit kay Russell.

Nagpipigil ng tawa si Max habang papaalis sa harap namin at nagpunta sa kusina.  

Nang harapin ko tong si Russell ay namumula yung punong tenga nya

Falling Inlove With My Roommate Book1 CompleteWhere stories live. Discover now