"Tsk! Ano ba namang klaseng date 'to?!" inis kunwaring tanong ko sa kanya! "O sige.. pumasok na lang muna tayo hehehehehehe.."

At pumasok nga kami sa loob ng Mall.

Tulad ng nakasanayan ko na ay kaliwa't kanan na naman ang lingunan sakin ng mga girls..

"Tsk.. grabe, andaming tumitingin sakin!" mayabang na bulong ko pa sa kanya at natawa naman sya, munit hindi nagsalita. "Ganon ba talaga ako ka-gwapo, Babe??"

"Mmm.."

"Talaga?? Gwapo ako??"

"Oo naman.."

"Talaga?? Talagang talaga??"

"Nakailang gramo ka ba ngayon at ang hyper mo?" malumanay na tanong nya habang nakangisi at lilinga linga sa bawat stall na madaanan namin.

"Hehe. Ayaw mo nun? Sayo lang ako ganito??" biro ko pa at hindi naman sya kumibo. "Nagugutom na ko, Babe.."

"San mo ba gustong kumain?"

"Ikaw nga.. san mo ba gusto??"

"Ano bang paborito mo?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang gusto kong masunod, dahil ikaw ang Boss ko.."

"Pareho tayong Boss dito.." nakangising sagot nya at nangiti na naman ako ng todo.

"Sige.. Mmm, meron akong alam na Restaurant dito na.. hehehehehehe!" binigyan ko sya ng nakakalokong tingin. "Romantic.." dagdag ko.

"Tss.. e bakit ganyan ang tingin mo?"

"E kasi sabi sakin.. Romantic lahat ng tao don.. romantic rin daw ang buong lugar, ang music.. at sabi nila, kahit yung mga foods na sineserve nila ay romantic rin.. hehehehe! Ibig sabihin, magiging romantic tayo.."

"Tss.." natatawang singhal nya. "Hindi ka pa nakakain don?"

"Mmm.. hindi pa.." iling ko.

"Tara??" nakangiting tanong nya at saka inialok na naman ang kamay nya kaya naman ngiting ngiti na namang tinanggap ko yun.

"Napapadalas ang paghawak mo sa kamay ko ah??" nakangising biro ko habang nakatingin ng deretso sa nilalakaran namin.

"Babawasan ko na ba?"

Gulat na nilingon ko sya!

"T-Tch! Kahit kailan---wala ka talagang sweetness sa katawan!" inis kunwaring singhal ko sa kanya at natawa naman sya kaya nakitawa rin ako. Bumuntong-hininga pa ako bago muling nagsalita. "Ang sarap kasi sa pakiramdam.. h-hindi mo kasi 'to ginagawa sa harap ng maraming tao.. Mmm.. nasanay akong twing tayong dalawa lang--don lumalabas ang sweetness mo.."

"Dalawa lang naman tayo ah??" nakangiting tanong nya.

"H-Ha??" takang tanong ko at saka tumingin sa dami ng taong nakakasalubong namin. "A-Andami kayang tao.." dagdag ko at ngumisi naman sya at saka itinuon ang paningin sa nilalakaran.

"Ikaw lang ang nakikita ko e.."

Ang mga puso, Deib! Ang mga puso.. Hahhahaha!!!! Taguro.. Taguro.. Taguro.. Tsk tsk tsk..

"Talaga naaaammaaaann, Taguro---mahal ko.. Hehehe!!!" nakangiting sabi ko pa na ultimong yung kasabay naming maglakad na magsyota ay nilingon ako at tinanguan ko naman sila! "Ayos ba??" nakangiting tanong ko pa sa magsyota.

"Hehehehehe.." tawa nila sakin.

"Ang gwapo nya, hon.." sabi nung babae.

"Manahimik ka nga dyan.." inis na sabi nung lalaki at saka sila naglakad papalayo.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon