Apatnapu't Apat

5.2K 172 12
                                    

"Hay nako, nakakatawa. Halika na sabi eh. Kailangan ko nang buksan ang shop," pamimilit ko. Wala na akong oras sa biruan.

"Totoo ang sinasabi ko Ram," seryoso naman niyang tugon na ikinagulat ko.

"Ikaw? Talaga? Eh bakit mo lang sinasabi sa akin 'to?" tanong ko sa kanya. Unti-unti nang namumuo ang galit sa aking puso.

"Kagabi kasi noong tinanong mo ako kung may isinisikreto rin ba ako sa'yo. Parang napag-isip-isip ko na ito na ang tamang panahon para malaman mo," sagot naman niya.

"Ah ganon, kaya nilubos-lubos mo na. Thanks Zach ha. Dali na, magsabi ka pa. Yung tungkol sa inyo ni kuya. Lahat na!" pang-uudyok ko na hindi niya pinatulan.

"Zach, pagod na pagod na ako. Tara na please, wala na akong pake kung ikaw man ang pumatay kay papa. Tapos na 'yun eh. Wala na akong magagawa. Dalhin mo na lang ako sa bahay," pakiusap ko rito saka tumalikpd patungo sa motor. Walang imik din naman siyang sumunod.

Habang nasa biyahe, hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. Whoo! Kanino na ba ako dapat magtiwala kung lahat naman ng tao sa aking paligid ay ganito? Masikreto. Hindi ko na talaga alam.

Namalayan ko na lang ang aking sarili na naglalakad papasok ng aming bahay. Sinalubong ako ng aking ina ng isang mahigput na yakap.

"Oh Ramuell ko. Salamat at nandito ka na. Alalang-alala na ako sa iyo. Patawarin mo na ang mama," naiiyak na pahayag niya. Hindi ako sanay sa ganito. Nagsasalita talaga ang nanay kong inakala kong pipe sa buong buhay ko.

"Ligo lang po ako. Magbabantay pa ako sa Skynet," pagkalas ko sa kanyang yakap sabay halik sa noo niya. Nakita kong tulog pa ang aking mga kaptid dahil maaga pa talaga.

Wala ako sa sarili habang naliligo sa banyo. Pagkatapos kong magbihis, napatingin ako sa salamin. Sobrang haggard kong tingnan.

"Inhale, exhale," bulong ko sa sarili para marelax ang aking katawan at isip. Ilang araw na akong puyat at maraming iniisip. Kailangan kong magreset ng aking buong sarili.

"Whoo! Kaya mo 'to Ram. Kakayanin mo 'to," parang nababaliw kong pag-cheer sa sarili.
---------

"Ma, alis na po ako. Ingat kayo ha," maligalig na paalam ko gaya ng nakagawian. Napagdesisyunan kong isantabi muna lahat ng problema at isa-isa itong resolbahin.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon