Tatlumpu't Siyam

5.1K 213 24
                                    

Napagtanto kong hindi pala nag-iimbento ng pangalan si Zach. Pero bakit niya tinawag na Roco si Rico? Ibig sabihin ba nun... Ay hinde, hinde. Baka nalito lang si Zach sa mga nasabi niya. Arghh, kainis naman oh.

"Huy, mukhang nagbubungkal kayo ah," dumating na si Albert dala ang kanyang mga inorder.

"What?" litong tanong sa kanya ni Jane.

"Ang deep kasi ng usapan niyo," sagot naman ni Albert na ikinangiti ko.

"Whatever Bert. Ahh Ram, hindi ko sure kung sino yung Roco na 'yun ah pero baka relative lang niya na bumisita. Once niya lang naman nabanggit sa akin 'yun eh," biglang sabi ni Jane.

"Ah sige sige," wala sa sarili kong itinugon.

"Tara kain na tayo. Ang sarap nito oh. Pizza, chicken, baked mac, at fries. All-time favorites natin," pagyaya naman ni Albert na kumain. Tsaka ko lang napansin na punung-puno nga yung tray na pinaglagyan niya ng mga paborito naming kainin.

Sinimulan na naming lantakan ang mga pagkaing binili ni Albert.
----------

Narito ako ngayon sa library ng Literature Building. Pilit kong iwinawaglit sa aking isipan ang usapin tungkol kay Rico, nakakasakit sa ulo. Kumuha ako ng papel at napagdesisyunang ituloy ang proyekto ko sa English.

But one day, the Tree woke up in a place full of trees. Many are larger than itself while some are smaller. The Tree suddenly felt afraid of all the things surrounding it. It's not fond of crowded places like this-the forest. It seems like everything is watching the tree. There is a larger tree behind covering it from the strong sunlight. Is it good or is it bad? The Tree does not know. Beside it, a small tree is like hugging the Tree's trunk. The Tree felt secured.

Hay, pati ba naman dito, naaapektuhan pa rin nila ang utak ko. Naku naman, masama ito. Dapat ko na talagang harapin ang problema at huwag takasan. Inayos ko na ang gamit ko dahil malapit nang magsimula ang klase namin sa English.

Pagpasok ko sa aming room, agad kong nakita ang nakangiting mujha ni Rico. Nginitian ko rin siya at nilapitan. Umupo ako sa katabing upuan niya.

"So, are you okay now?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Yes, yes, thanks," sabi ko sa Ingles dahil bawal na mag-Filipino kapag nasa loob na ng klaseng ito.

Napansin ko namang gumaan ang pakiramdam niya. Hahawakan niya pa sana ang kamay kong nakapatong sa desk nang ilayo ko ito at sinabing "Behave." Sumimangot ito sa aking sinabi.

"We'll just do it later," bulong ko para makabawi. Ngumiti naman ang boyfriend ko.

Wala kaming ibang ginawa kundi makinig sa lecture ni Ms. Sanchez tungkol sa types of sources. May ibinigay rin siyang readings namin.

Nang matapos ang aming klase, dumeretso kaagad kami ni Rico sa itaas.

"Wow, nandyan pa rim yung mesa!" gulat kong sambit nang mapansin na ganoon pa rin ang set-up ng kainan namin sa fire exit.

Hinawakan ni Rico ang kamay ko.

"Yup, I asked the janitor here na maintain this arrangement every MWF. And don't worry, I have a permit from the admin of this building," paliwanag nito sa akin.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon