Tatlumpu't Anim

5.2K 250 13
                                    

Nainis ako sa nabasa ko. Hindi nagpakita si Zach buong hapon tapos magtetext siya ng paninira sa taong nagpapasaya sa akin ngayon. Wow lan ha. Pero naisip ko, may atraso rin pala ako sa kanya. Baka gumaganti lang siya dun sa pang-aasar ko sa kanya noong isang araw. Bakit ko ba kasi nasabi yun?

Alam mo Zach, sobrang bait nitong si Rico. Bakit lalayuan ko siya?
To: Demonyo

"Sino na naman 'yan?" tanong ni Rico sa akin.

"Ah eh si ano 'to. Si Jane. Tama, si Jane nga ito. Nagtatanong ng assignment sa Kasaysayan," palusot ko. Mabuti't nakaisip kaagad ako ng dahilan. Baka magselos na naman ang boyfriend ko.

"Okay. We're here," sagot niya. Tsaka ko lang napansib na nasa tapat na kami ng gate namin.

"Bababa na ako ha. Bye. Thank you," paalam ko bago bumaba.

"Wait!" pagpigil nito sa akin kasabay ng mahigpit na pagkakahawak sa aking braso. "You forgot something," dagdag pa niya.

Eksaktong paglingon ko pabalik sa kanya, nabigla ako sa pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"You may go now. See you tomorrow. Love you," nakangiti niyang wika matapos akong halikan. Feeling ko namumula na ako sa kilig pero hindi naman halata dahil madilim ang gabi at madilim ako.

"Ah oo. Salamat ulit. I-ingat ka," sabi ko naman saka tuluyang lumabas sa kanyang kotse.

Para akong naglalakad sa alapaap habang pumapasok sa loob ng aming bahay. Ang sarap sa pakiramdam ng ibinibigay sa akin ni Rico. Pero ano ang tinutukoy ni Zach? Bahala siya diyan.

Kasalukuyang kumakain ng spaghetti sina mama pagpasok ko.

"Wow, favorite ko! Saan galing 'yan ma?" natutuwa kong tanong. Sa lahat kasi ng pagkain, spaghetti ang hindi ko mahindian.

"Kuya, bigay 'to ni kuya Zach. Kaaalis lang nga niya eh. Hinahanap ka," pagbabalita sa akin ni Zach.

Ganun ba kaseryoso yung bagay na gusto niyang sabihin tungkol kay Rico? Eh bakit hindi niya na lang sinabi kanina sa school? Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Nilabas ko ito. Bumungad sa akin ang mensahe mula kay Zach.

Basta. Mapanganib siya. Bukas ko sasabihin para mas maunawaan mo. BABANTAYAN KITA BUKAS SA AYAW AT SA GUSTO MO.
From: Demonyo

Napakunot ang noo ko. Binalewala ko ito. Feeling ko nantitrip si Zach eh. Mahilig siya sa ganto eh. Tingnan mo na lang noong kinuha niya yung tshirt ko noon sa cr. Grabe.

Hindi ko siya nireplyan. Tumungo na agad ako sa mesa at nakisalo sa pagkaing bigay rin ni Zach. Isa lang ang masasabi ko, sobrang sarap ng spaghetti.
---------

Madaling araw na pero halos kalahati pa lang ang naaaral ko. Nagsisisi tuloy ako. Hindi ako mahilig magcram dahil mahirap ito. Ano bang nagyayari sa akin? Kung last week ko pa ito inaral, baka natutulog na ako nang mahimbing ngayon. Naiinis ako sa sarili ko.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon