Dalawampu't Apat

6.3K 231 56
                                    

"Saan ka ba nanggaling, Ramu?" pambungad na tanong ni kuya sa akin.

"Ah, eh, dyan lang," sagot ko naman.

"Anong dyan lang? Hinanap kita sa bawat sulok ng university. Hindi na nga ako nakakain. Hindi na rin kita natext kasi namatay yung cellphone ko pagkatapos nung huling text ko sayo na baka mahuli ako ng prof ko. Hinintay kita sa may gate mula 12:30. Hindi ko alam kung anong nangyari. So saan ka nga pumunta?"

"Ramuell!" tawag ng isang tinig mula sa likuran ko. "You forgot your pen in my car. Nahulog mo yata. Buti bumalik ako sa kotse ko," dagdag na wika ng bagong dating na sigurado akong si Rico. Naku naman, wala nang lusutan 'to. Letcheng ballpen 'yan.

Hinarap ko siya at nagpasalamat. "Thank you, Rico." Ngumiti lang siya nang nakakatunaw at sinaluduhan ako saka tumakbo palayo.

Hinarap ko ulit si kuya. "Ah kaya pala," maikling sinambit niya bago malungkot na pumasok sa room namin.

Napansin kong papalapit na ang mabagal sa paglalakad na si Prof. Dimaculangan. Pumasok na rin ako sa loob ng silid at tumabi sa tahimik kong kuya-kuyahan.

Kapansin-pansin ang pagpayat ni ma'am. Parang wala rin siyang ganang magturo at hindi na siya naninigaw. Malala kaya ang sakit niya? Nakakapanibago lang. Kalmado niyang tinuturo ngayon ang application ng derivatives.

Napalingon ako sa taong nasa tabi ko. Hindi niya pa rin ako kinakausap mula sa umpisa ng klase namin. Alam kong nadisappoint ko si Amthony this time. Ayaw pa naman niya ng iniiwanan mag-isa. Binigo ko na naman siya sa pangako kong di ko siya iiwan. Tsk. Ang tanga tanga ko. Simula ngayon, kokontrolin ko muna yung nadarama ko kay Rico. Marami na kasing nasasagasaan—yung pag-aaral at yung relasyon ko sa ibang taong nakapaligid sa akin.
Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko kanina dahil ngayon lang ako nakadama ng ganito. Yung ramdam ko ang pagmamahal mula sa taong gusto ko. Pero ano ba ako ni Rico? Wala namang kami eh. Sinong mali? Ako ba na nag-iilusyon at nag-aassume na nagugustuham ako ng crush ko kahit alam kong imposible? O si Rico na parang nagiging insensitive dahil alam niya naman ang nararamdaman ko para sa kanya? Hayy, ayaw ko nang gawin pang mas komplikado ang buhay. Marami akong dapat unahin kaysa sa damdamin kong ito.

Ngayon, iniisip ko kung paano babawi kay Anthony. Alangan namang bumili ako ng peace offering eh wala naman akong pera. Ano kaya ang pwede kong gawin para mapatawad ako ni kuya?

Ah! May naisip na ako. Pahuhupain ko muna yung galit niya sa akin.

"Now get a 1/4 sheet of yellow paper and solve thia problem," wika ni Bb. Dimaculangan bago ipamahagi ang maliliit na piraso ng papel kung saan nakaprint ang tanong.

Binasa ko ang tanong.

A ball was thrown from the edge of a cliff such that its directed distance from the ground after t seconds is given by s(t) = −16t^2 +32t +128 feet. Determine the acceleration of the ball at t = 3.

Madali lang naman kaya nasagutan ko siya kaagad. <Kung sino ang unang makakasagot sa tanong na iyon nang tama, may prize. Pakicomment na lang po>

"You may go after passing your papers," paalala ni maam.

Dahil tapos na ako at sigurado sa aking sagot, ipinasa ko na ang papel ko kay ma'am. Nagulat lang ako dahil nginitian ako ni maam pagkapasa ko. Napakaweird lang.

Bumalik ako sa upuan ko. Napagdesisyunan kong hintayin matapos si kuya para sabay kaming umuwi. Ilang sandali pa'y tumayo na si kuya at nagpasa. Pagbalik niya ay dali-dali niyang kinuha ang bag niya at umalis. Syempre sinundan ko siya palabas ng room.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon