Nagising na lang ako ng ganito. Kung anu anong boses sa isip ang naririnig ko. I...I can hear their inner voices. Just...just what the hell happened to me?

'So, first time ma-late ni Ibarra ngayon.' kung hindi ako nagkakamali, boses 'yon ng babaeng nasa likuran ko. Tumingin ako sa kanya at nahuling nakatingin siya sa'kin. 'Bakit siya tumingin?' Kaagad kong binalik ang tingin ko sa harapan.

'Ang ganda talaga ni Ibarra.'

'I want to ask her out.'

'She's not even pretty. Mas maganda ako sa kanya, duh!'

Bakit sa'kin nakatuon yung atensyon nila? Bakit ganon ang iniisip nila sa'kin? Gusto ko silang pahintuin pero hindi ko alam kung paano. Tinakpan ko yung tainga ko pero hindi pa rin sila tumitigil. Halu-halo yung mga naririnig kong boses, hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya.

"Shut up!" hingal na hingal ako. Gulat na gulat silang lahat, napahinto at nakatingin sa'kin. Lalo na si Professor Paciano.

"What do you even mean by shutting me up during class?" galit nitong sabi. Walang nagsasalita at lahat ng mga mata nila ay nakatitig sa kinaroroonan ko.

"I... H-hindi ko po―"

'Hala, bakit siya sumigaw?'

'Hindi na siya nahiya kay prof.'

'She's freaking out, crazy.'

Hindi na ko nagsalita pa at walang anu-ano'y mabilis akong umalis ng klase. This is just...so embarrassing! Tumatakbo ako sa hallway at wala pa ring humpay ang mga boses na naririnig ko.

Tuluyan na 'ata akong mababaliw.

*****

"YOU mean, you're hearing voices?" sabi ng councillor sa'kin matapos kong ipaliwanag ang pinagdadaanan ko. 'She's hearing voices? That's unusual.' at hindi maitago sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"Please, ma'am. I don't know what to do." Desperado kung desperado, sa Counselling Office ako pumunta para humingi ng tulong, inilahad ko sa kanya kung anong nangyayari sa'kin, kung paano ako hindi makapag concentrate, at yung mga boses ng tao sa paligid na naririnig ko.

"Okay, Miss Ibarra," tumikhim siya, 'maybe, she's mentally ill.'

"No! I'm not mentally ill!" nagulat kami pareho sa sinabi ko.

'Wala naman akong sinasabing ganun?' Huminga ng malalim yung counsillor at naaawang tumingin sa'kin. "I guess you need to rest, hija."

Hindi ako kumibo, napayuko lang ako, wala rin pala akong napala kahit dito ako humingi ng tulong. Tama siya, kailangan ko munang magpahinga.

"Mayroon po akong pabor."

"Yes, hija?" 'She just looked distressed.'

"Pwede niyo ba 'kong i-suspend ng isang linggo?"

*****

"AALIS ka?" ito 'ata ang kauna-unahang pagkakataon na si Andrea ang unang kumausap sa akin. 'Alam kong mangyayari 'to.' Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng mga damit sa bag ko, pinayagan akong mag-take ng leave ng school dahil sa kundisyon ko.

Marami akong dapat itanong kay Andrea pero ayokong isipin din niya na nababaliw ako. "Ikaw na lang ang magsabi kay Talia na uuwi muna 'ko sa'min ng one week."

"You're running away," natigilan ako sa sinabi niya. 'Bakit hindi mo harapin kung anong nangyayari sa'yo, Sigrid?'

"Hindi ako tumatakas, Andrea," naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya. "Sa totoo lang marami akong gustong itanong sa'yo, kung paano mo naiguhit sa sketchpad mo ang mga nangyari sa house party—"

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon