"My Angel, My Wife!"

5.9K 188 2
                                    

HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by:Yeshameen Brejente


CHAPTER 16

UMIIYAK pa rin si Angelica dahil labis siyang nag-aalala sa anak. Si Russell naman ay sumama sa mga pulis upang maghanap sa anak.

Ngunit di pa rin nila mahanap ang bata.Nagkataon pa namang nasira ang CCTV ng bahay, kaya walang record na pwede maging lead upang matugis kung sino ang posibleng kumuha kay baby Angelo.Gabi na nang makarating si Russell sa bahay ni Angel.

"Nahanap mo na ba ang baby natin?" tanong ni Angel. Umiling si Russell saka niya niyakap si Angel.

"Mahahanap din natin siya.Let's trust in Him." Aniyang hinagod sa ito sa likod.

"Diyos ko! Heto na ba ang karma natin sa pagtataksil sa iyong asawa? Naging pabaya akong ina, di ko man lang na-protektahan ang anak ko."

"Walang may gusto sa nangyari sa kanya.Wag kang mag-alala dahil buong gabi ngayon di ako titigil hangga't di ko siya muling makita.Ibabalik ko siya pangako yan." Sabi ni Russell.Tumango si Angel. She has to be positive right now.Kailangan niyang maging matapang, para sa anak.

Now that Russell's alone in the main-living room, naisip niya kung sino ang taong posibleng dumukot sa anak nila ni Angel. And knowing Dianne? Alam na niyang ito lamang ang taong may lakas ng loob upang gawin 'yon.

"Magbabayad ka sa akin ng mahal, Dianne! Wag na wag mo lang sasaktan ang anak ko.Patawarin ako ng Diyos baka ano ang magawa ko saiyo.." sabi ni Russell at di na siya nagpaalam kay Angel na umalis.


Samantala, iyak nang iyak naman si Angelo nang ipasok ni Alfred sa silid niya. Iuuwi na sana niya ang bata nang mapansin niyang may nagmamanmang mga kaduda-dudang sasakyan kanina.He cannot put Angelo's life at risks.

Inutusan na niya ang kanyang kasambahay na ibili ng gatas at diaper, maging mga damit at mga gamit ang bata.Di niya ma-imagine kung gaano na nga ba nag-aalala si Angel sa paghahanap sa anak.

"Don't worry baby, makakabalik ka rin sa mommy mo.I'll make sure of that.Promise yan ni tito Alfred. " Aniya habang isinasayaw ang batang animo ay inihe-hele.Ngunit lalo pang umiyak ang bata.Di na alam ni Alfred ang gagawin.


Tulog na si Dianne nang makarating si Russell. Galit na galit ang huli at walang pasubaling pumasok sa silid kung saan natulog si Dianne.

"Dianne, ibalik mo sa akin ang anak ko! " sigaw ni Russell at agad nitong tinanggal ang comforter na bumabalot sa katawan nito.

"R-Russell, gabing-gabi na.Uuwi ka na ba ulit dito?" sabi ni Dianne at biglang napabangon.

"Where did you take my son? Pati ba naman ang batang paslit idadamay mo na? Why are you so heartless?" sabi ni Russell na nanggigigil sa galit. At agad niya itong pinadapuan ng sampal sa pisngi!
Sapo ni Dianne ang nasaktang pisngi.Napaluha siya.

"You're blaming me? When I'm here all the way, waiting for my husband to come home for me? Sino ba ngayon ang heartless sa atin, huh? Wala akong alam kung nasaan ang anak mo.Ba't di mo sisihin ang pabaya mong kabit? Ang pabayang ina na punyetang 'yon!" galit na galit na sabi ni Dianne.
Muli ay pinadapuan pa siya ni Russell nang kambal na sampal sa magkabilang pisngi.Saka niya ito itinulak.

"Just stop your drama, Dianna Rose! You can't fool me ever again! Ito ang tandaan mo, oras na malaman kong may kinalaman ka sa pagkakadukot sa aming anak ni Angel, ako mismo ang hahatol saiyo ng kamatayan!" pasigaw niyang sabi kay Dianne. Saka siya umalis ng bahay. Naiwan namang nagwawala si Dianne.

"Salamat at binigyan mo na rin ako ng rason upang patayin ang batang 'yon, Russell. Siya ang magbabayad ng pagiging makasarili niyo ni Angelica! Titiyakin Kong magdurusa kayo habambuhay!" galit niyang sabi sa sarili.

How Could An Angel Be a Mistress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon