Back in your arms

6K 174 5
                                    

HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 15


UMIIYAK si Angel sa balcony, nasasaktan siya.Iniisip niya pa rin ang nangyari sa ospital kanina nang makarating si Dianne. Di niya alam kung tama pa nga ba ang mga nasabi niya kay Dianne kanina.Kasi kung tutuusin, wala naman siyang karapatan kumpara dito.

"Angelica, hija." Mahinahong tawag ni Magdalena.

"Mama.." tugon niya at mabilis na nagpahid ng sariling luha.

"Tell me.."

"Yung nabaril kahapon, Ma, siya yung lalaking ginawa akong kerida. Andami pong nangyari sa araw na 'to eh." Aniyang nagpipigil na lalo pang umiyak.Pero kahit anong gawin niya, di niya maitago ang sakit na nararamdaman niya.

"Nakita ko kung paano niya ibinuwis ang buhay niya upang mailigtas ka lamang.Kayo ni Angelo." Sabi nitong nakayakap sa kanya. At hagod siya nito sa likod.

"Nasasaktan ako, Ma dahil umasa akong baka posibleng mabuo kami.Na baka pwedeng maging isang pamilya kami kasama ni Angelo." Aniyang humagulgol sa iyak. "Pero nang magkaharap na kami ng asawa niya kanina, parang sinampal sa mukha ko ang bawat sandaling nagkasala ako sa kanya.Na wala akong kahit na anong karapatan upang mahalin at pangarapin si Russell. Dahil kahit anong gawin ko, di siya magiging akin."

"I feel you, hija. Nalulungkot akong makita kang ganyan."

"Ma, sa ngayon ho, iniisip ko lang kung bakit may mga taong gusto akong patayin? Ano ang motibo nila sa akin? Magiging ligtas pa kaya kaming mag-ina dito? Lalo na si Angelo? Di ko ho alam kung sino ang mga tao sa likod ko na gusto akong kitilin.Pero hangga't may paraan pa upang maiwasan ang masamang mangyari, siguro ho panahon na upang lumayo na kami ng anak ko." Sabi ni Angelica.

"Pwede kayong mangibang-bansa na muna.May bahay ako sa Israel.Pwede kayo tumuloy ng anak mo do'n." Tugon no Magdalena. Tumango naman si Angel.Siguro nga ay doon na muna sila ni Angelo.


Nang makarating si Dianne sa bahay nila ni Russell ay nagulat pa siya nang mapansing bukas ang mga ilaw sa buong bahay.

"Nasa Pilipinas na nga kaya si Papa?" sabi niyang di na magkandatuto. At parang bumigat ang mga paa niyang tumuloy sa bahay.

Kung nasa bansa na nga ang Papa niya ay ipagpapasalamat pa niya 'yon.Kailangan na ring mawala na sa landas niya si Angel. She quickly went inside the house. And look for her father around.

But Dianne didn't see Señor Maximillian around the house. Nagtataka tuloy siya.Naguguluhan at kinakabahan.Lalo na nang maulinigan niyang para bang may tao sa mini-bar.

"Manang.." tawag niya sa mga katulong. Laking gulat niya nang makita ang taong nangahas na pumasok sa bahay nila nang walang pahintulot.

"You're home, Dianne." Sabi ng lalaking nakatalikod.

"Who the hell are you? Alam mo bang tresspassing 'yang ginawa mo?" sabi ni Dianne na kabado.Malay ba niyang may hawak na baril o wala ang taong ito.

"Kumusta ka na, Dianne?" sabi nito at mabilis nang humarap sa kanya. Ganon na lamang ang pagkagulat ni Dianne sa nakita.

"No, you aren't real, William! " sabi niyang napapaatras pa.Bigla siyang kinutuban.Natakot siya. "Get lost!"

"Scared?" tanong ni William na natatawa pa sa reaction ng kaharap. "I'm back for my sweet revenge!"

"Umalis ka sa harapan ko! Lumayas ka dito sa bahay namin ng asawa ko!" sigaw ni Dianne.

"You're married? Are you sure about that?" nakangising sabi ni William.

How Could An Angel Be a Mistress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon