Seeing Angel Again..

6.2K 167 1
                                    

HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by; Yeshameen Brejente



CHAPTER 12

SI Magdalena Alcazar, ang kumupkop Kay Angel.Isa itong kerida ng isang mayamang negosyante.
Natagpuan nitong nakahandusay sa daan si Angel noon. Walang malay-tao. Magdalena is on her 40's.

"Lumalaki na si Angelon ang gwapo niyang bata. Angel time flies so fast. Parang kelan lang nang isilang mo siya." Sabi ni Magdalena.

"Oo nga po Ma, he's growing up so fast. Nami-miss ko na yung munti kong anghel." Nakangiting sabi ni Angel.

"Kawawa ang mga batang tulad niya. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Isisilang at magkakaisip nang walang ama. Kung bakit kasi ang mundong 'to ay puno ng mga malalandi." Sabi ni Magdalena. Natigilan si Angel.Naiisip niyang napakalandi niya noong patulan niya si Russell, noong mahalin niya ito. But that was the past. Okay na siya.

Kung may maganda mang nangyari noon, iyon ay ang pagkakaroon niya ng isang ANGELO, iyon na lang.

"Gagawin ko ho ang lahat upang maging sapat na ako sa aking anak. He will never ever need a father." Sabi niya.

"Which is very easy to say, Angelica. Pero aminin man natin o hindi ang bata kapag lumalaki naghahanap yan, nagtatanong. " Sabi ni Magdalena. "Isa na din akong ina, isang ina na may anak na bastardo din." Sabi nitong bigla ay naging emosyonal.

"May anak ho kayo?" Angel says wondering.

"Yes. Naanakan ako ng lalaking may asawa na.
Noong malaman niyang may anak kami, binayaran niya ako ng sampung milyon.Di ako pumayag, dahil sabi ko di naman tuta ang anak ko upang ibenta sa tatay niyang malandi! Pero wala eh, kinidnap nila ang anak ko nang sapilitan. Four days ko lang nakapiling si Irish. Nawala na siya. Dinala na sa ibang bansa. Anong karapatan nating mag-reklamo kung pati ang legal wife ay siya na ring mag-utos sa asawa nilang malandi di ba? Paano kasi baog ang asawa nong naging kabit ko. Kaya pala naghanap ng kerida kasi di siya mabigyan ng anak. Ako namang si gaga, minahal siya nang lubos.Sa huli, ako naman pala talaga ang kawawa, ginamit at pinagsawaan." Sabi ni Magdalena. Kinilabutan si Angel.Naisip niya na ngayon na paano kaya kung iyon din pala ang reason ni Russell kaya ginawa siyang kerida? Paano kung anak niya lang pala ang kailangan nito? Agad niyang kinuha sa kuna si Angelo.

"Di ko papayagang mangyari ang bagay na 'yon sa akin, sa amin ng anak ko.Siyam na buwan ko siyang dinala sa aking sinapupunan. Halos mamatay ako mailuwal lamang siya sa mundong 'to. Sapat nang minsan ay ginawa akong mistress ng tatay niya, sapat nang nawala na ang aking pamilya at ang dangal ko. Pero pagdating sa anak ko, makikipaglaban ako nang sabayan kahit sino pa siya.Kahit pamilya ko pa.." sabi ni Angel.

"Nasa likod mo lang ako hija. I will always be here to help you the best way that I can." Sabi ni Magdalena.

"Salamat ho Mama.Tatanawin ko itong malaking utang na loob." Sabi ni Angel na nakangiti.Mula noon "Mama" na ang tawag niya rito.

"Sigurado akong kasing edad mo na si Irish hija." Sabi ni Magdalena.



"Talaga bang wala ka nang balak na puntahan sa America si Dianne? O yung naging anak niyo na lang?" sabi ni Armand.

"It's been two years ago, pare.Kung may balak sana'ng ipakilala ni Dianne sa akin ang bata, she should have brought the child here.Pero ayun eh.Wala siyang balak." Tugon ni Russell. "Pag nagkaisip na yung naging anak namin, hahanapin din ako no'n.Maghahanap din yun ng isang ama na bubuo sa kanyang pagkatao."

"Sabagay tama ka o baka naman masyado ka lang umasa na magkikita ulit kayo ni Angel?"

"Kahit kelan pare di siya nawala sa utak at puso ko. Handa akong hintayin ang kanyang pagbabalik. Siya lamang ang mahal ko at mamahalin alam mo pare, naisip ko lang paano kaya kung na-buntis ko siya? Paano kaya kung nagkaanak kami? "

How Could An Angel Be a Mistress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon