"Kataksilan Nga Ba?"

4.8K 139 0
                                    

HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by:Yeshameen Brejente





CHAPTER 9



GULAT na gulat si Russell nang magkasalubong ang paningin nila ng asawa. Hindi kasi niya alam na nakasunod pala ito sa kanya.Wala siyang pakialam ano man ang gawin ni Dianne sa kanya. Wag lamang sana'ng madamay si Angelica dito.

"Ano na Russell? Nasaan ang kabit mo? Subukan mo namang ipakilala siya sa akin. Malay mo nga eh maintindihan ko kung bakit kailangan mo ako'ng pagtaksilan at ipagpalit sa kanya! " sabi ni Dianne na sadya pang nilalakasan ang boses upang marinig ng mga taong naroon. Mabilis namang nilapitan ni Russell ang asawa. Hindi na niya alam ang gagawin. By knowing his wife? He could say she'll never hesitate to make a scene at the very moment.

"Dianne, please. Let's go home.Let's talk at home. Not right here.I beg you. Please.." sabi niya sa marahang tinig. At hinawakan niya sa magkabilang braso si Dianne.

Ngunit nagpumiglas na si Dianne. Ayaw niyang maniwala sa asawa niya.

"That's a lie! That's bullshit! Uutuin mo naman ako? Bakit Russell? Could you even remember when was the last time you've talked to me like I'm somebody in your life?"sabi ni Dianne at bigla na lamang siyang napaluha."Oo Russell
. I admit to it na pinikot lang kita. Na di mo 'ko mahal all these years. Hindi pa ba sapat na parusa yung di mo ako mahal? Kailangan ba talagang ipamukha sa akin na gano'n ako kawalang halaga? Now tell me. Why should we talk?" Natatakot na talaga si Russell na baka lumabas si Angel at makita siya nito kasama ang mag-e-eskandalo sana'ng asawa?

Russell has no choice but carried his wife to his car.Nagpapalag man si Dianne ay wala na siyang nagawa dahil malakas si Russell.

"Dianne, please.Just let me go.Kahit ano'ng pagpilit ko sa sarili kong mahalin ka ay di ko naman magawa. Nagmamakaawa ako saiyo, just let me go.Let go of yourself. You have all the chances in the world for you to be happy. Don't you think that it's about time for us to set each other free?" sabi ni Russell na luhaan na din.

"Russell pag pinalaya kita, ikaw lang ang magiging masaya at di ako! Wag ka namang selfish. Maawa ka naman sa akin.Tama na." Sabi naman ni Dianne. At yumakap pa sa asawa niya. Pareho silang luhaan. Pero mas okay na ring narito sila ngayon upang di na mapahiya sa kahit sino ang babaeng mahal niya. Ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Si Angelica.



Nang makalabas mula sa bathroom si Angel ay nagtaka pa siya kung bakit wala si Russell.

"Russell?" tawag niya. "Nasaan ka?"at nagsuot na muna siya ng roba bago lumabas ng apartelle. Nagtataka talaga siya kung bakit umalis si Russell nang walang paalam.Natuwa siya nang makita si Russell kanina. Akala niya'y magkakasama na naman sila nang magdamag bago man lang siya umuwi sa Maynila bukas. Di niya talaga maintindihan kung bakit wala man lang itong paalam sa kanya kapag umaalis.

Gusto niyang maiyak dahil nagtatampo siya dito. Pakiramdam tuloy niya ay may itinatago si Russell sa kanya.

Wala man lamang tawag si Russell sa kanya kahit limang or as na siyang naghihintay ng paliwanag dito.Wala talaga. Para itong bula na bigla na lamang naglalaho sa hangin.Now she don't know if Russell really loves her or not, because if he does, he'll never leave her just like that! Mabilis na siyang napatakbo sa kanyang apartelle na nire-rentahan.Iniligpit na niya ang kanyang mga gamit.Padabog!

"So stupid of me na pinatulan ka Russell!" galit niyang sabi sa sarili at nais na talaga niyang magwala.


Nakatulog si Dianne habang nasa daan sila ni Russell pabalik ng Maynila. A part of him is guilty.Guilty of hurting her all the way.They've been married for more than three years. So long enough.Kahit pa sabihing walang pag-ibig si Russell sa asawa.They've been friends before they've got married.Pero nagawa naman niyang pigilan ang sariling gawan ng masama ang asawa at wag pagtaksilan sa loob ng mga taong yaon.Hanggang sa ang tadhana na siguro ang nagpahintulot upang landas nila ni Angelica ay muling mag-krus! At sa pagtatagpo nilang 'yon ay ang pagkakasala niya at ni Angelica. How fool could he have been! Di niya alam Kung bakit nahayaan niyang mangyari 'yon! Kung bakit itinago niya kay Angel ang tungkol sa status niya. Bakit? Dahil ayaw niya itong mawala? Bakit? Kapag kaya ngayon kung sakali mang matuklasan ni Angel ang lahat di ba at mas lalo na itong magagalit? He cries. With tears on his eyes.

Nang makarating sina Russell at Dianne sa bahay ay marahang pinukaw nito ang asawa niya.

"Dianne, wake up.." pukaw niya rito..at nang damhin niya ang noo ni Dianne ay saka niya na-realized na nilalagnat ito."Dianne, mainit ka.."

"Russell. ." matamlay na sabi ni Dianne at iniabot ang kamay niya sa asawa, dahilan upang buhatin niya ito. Mabilis nilang narating ang kanilang silid.Inihiga ni Russell ang asawa nang marahan sa kama. At mabilis siyang tumawag ng doctor.Di na niya ipinaalam kay Señor Maximillian dahil batid niyang siya rin lang ang sisisihin nito.At wala nang iba pa.

After their family doctor's check up to Dianne ay nalaman nilang stressed ang dahilan kung bakit ito nilagnat. Alam niyang sobra na ang paghihiral ng loob ni Dianne sa piling niya.

Binalatan niya ang isang ponkan saka pinakain si Dianne. She's happy that he didn't leave her.
Ito na yata ang masayang sandali niya sa piling ni Russell. "Thank you.." she says.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Russell. Thinking that he doesn't deserve any thank you from her, never!

"Russell, I miss you." Sabi ni Dianne at nais nang lumuha."Ako ba kahit minsan lang, na-miss mo rin ba ako? " Tumingin si Russell sa mga mata ng asawa.Naisip niyang kapag si Angel siguro ang nasa tabi niya ngayon, siguro napakasaya niya.Yun bang hindi 'guilt' ang mararamdaman mo kundi ang pag-ibig.
Naramdaman na lang ni Russell na naglapat na ang mga labi nila ni Dianne.

Magtataksil ba siya sa pagmamahalan nila ni Angel? O hahayaan na lamang niyang sa asawa magkasala nang paulit-ulit dahil di niya kayang ibigay ang mga bagay na naibigay na kay Angel na dapat ay para sa asawa lamang?

Luhaan si Russell habang hinayaan na lamang niyang gawin ni Dianne na kung tutuusin ay dapat siya pa ang nagpapadama dito.

They've had sex way back then. And it's been a year ago since the last time that he'd touched her, intimately. Naaawa na siya sa asawa lalo pa ngayon at nagkakasakit na ito nandahil sa kanya. Everytime he look at his wife, he could see nobody but his mistress!


TBC



How Could An Angel Be a Mistress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon