Chapter 23

32 2 0
                                    

AN: Mabilis na UD Part 2..


~~

Febra's POV

Bago mag-uwian ay nagpaalam ako kay AJ at tinungo ang naghihintay na si Light na sobrang seryoso ang mukha.

Nang iniabot nito sa akin ang helmet at tahimik ko itong tinanggap.

Anong problema ng lalaking to at parang zombie kung makagalaw.

"Light, kung sasabay na lang kaya ako kay Takeshi parang pagod ka ata."

"No, sa akin ka sasabay."

At sumakay na ito sa motor niya sumunod din naman akong umangkas. Naging tahimik kaming dalawa buong byahe. Nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko ang bungad ng mansyon.

Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ng hindi ko matanaw si Takeshi na lagi namang nag-aabang sa akin sa pintuan ng mansyon.

Nagpaalam na si Light pero wala doon ang atensyon ko parang may kakaiba akong nararamdaman. Napakatahimik ng buong masyon, nasaan naman kaya ang mga tao dito.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yon pero may naririnig akong mahihinang sigaw. Nang makasiguro akong sigaw nga ang narinig ay sinundan ko kung saan sa tinggin ko ito nanggagaling.

Nakarating ako sa isang maliit na kubo hindi kalayuan sa likod ng mansyon. I know its wrong to eavesdropping pero I can't help it.

"Kulang pa yang parusa na yan sa ginawa mong pagsuway. Nilabag mo ang utos ni Master King kaya nararapat lang yan sayo."

"Mukhang matigas talaga ang isang to Magnus."

"Sinabi mo pa! Huwag na huwag mong masubukan sabihin kay Hime Yukiko ang nangyari sayo ngayon! Naiintidihan mo ba ako ha! Takeshi!"

Mula sa isang maliit na butas napatakip ako sa bibig upang maiwasang magpakawala ako ng boses. Awang awa ako sa sitwasyon ni Takeshi ang dami nitong pasa at ang mukha niya maraming sugat marahil mula ito sa paghihirap sa kanya. Napakawalanghiya talaga nitong si Magnus pero teka lang parang narinig ko banggitin nito ang aking ama.

Nataranta ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Naging mabilis ang kilos ko upang makahanap ng matataguan. Nakahinga ako ng maluwag ng makahanap ako ng mga patong patong na karton kaya nagtago ako sa likod nito.

Kinabukasan nakita ko si Takeshi nakatayo sa labas ng kwarto ko. Hindi ko magawang tuminggin sa kanya sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi ko siya inisip mas nangibabaw ang pansarili kong interes.

Nakasunod siya sa akin ng maglakad na ako sa labas ng pintuan ng mansyon upang hintayin si Light. Walang sino man sa amin ang nagtangkang magsalita. Nakakasalubong pa namin ang ilan sa mga taong nasa loob ng kubo ng pinapahirapan si Takeshi. Nakita ko pang mataman nila kaming pinapanood para bang hinihintay nila na magtanong ako sa kung anong nangyari.

Nakita ko naman bumukas ang gate ang isang silver na porsche ang pumasok. Salamat naman at naisipan nitong palitan ang sasakyan.

"Una na ako Takeshi."

Nakita ko lang tumango ito. Pagkapasok ko sa sasakyan hindi agad pinaandar ni Light ang kotse.

"Anong nangyari kay Takeshi?"

"Concern ka na sa kanya?" pinilit kong maging irritable para maiwasan na pag-usapan ang nangyari dito.

Nagkibit balikat lang ito at pinaandar na ang sasakyan. Nakita ko pa mula sa side mirror na sumakay ito sa isang motor.

The Aquarius: Gangster / Yakuza Princess (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon