Chapter 18

49 0 0
                                    

Dalawang buwan mula ng umalis ako ng Pilipinas hindi nawawala sa tabi ko si Takeshi. At sa loob din ng ilang buwan na yan hindi ko pa nakikita ang totoo kong ama.

(isipin niyo na lang nagsasalita sila ng japanese. kaya niyon yon kayo pa..^__^)

"Takekun, kailan ba balak ng magaling kung ama na magpakita sa akin."

"Kung nasa tamang kondisyon na po kayo Yukiko-hime ay makikita niyo na si King-sama."

Ilang ulit ko na yan tinatanong at walang kupas na paulit ulit rin ang sagot niya sa akin. Sa isang buwan ko dito sa Japan puro pagsasanay ang inatupag ko. Oo may pahinga pero minsan kahit natutulog ako sinusubukan ang lakas ng pakiramdam ko. Paksh*t lang gusto ata nila mapadali ang buhay ko.

Oo nga pala ang tunay kung pangalan ay Yukiko Miyazaki. Nasan ang ina ko hindi nila ako sinasagot ng tama. Aish, gusto kong makalabas dito sa hawlang mansyon na to pero hindi ako pinapayagan.

"Takechan, gusto kong lumabas ng mansyon."

"Hindi maari Hime baka mapagalitan ako ni Sensei Magnus."

"Tss. Bahala ka kung ayaw mo akong samahan aalis ako mag-isa."

Agad na humarang si Takeshi sa harap ko pero agad na inilabas ko ang isang katana na nakalagay sa likuran ko at itinutok sa kanya.

Walang pag-alinlangan na inilabas din nito ang sa kanya pero hindi inaalis sa saya nito o lalagyan.

Tss. Ito ang pinaka-ayaw ko kay Takeshi hindi niya inilalabas ang buo niyang lakas kasi daw ayaw niya ako mapahamak. Kainis lang noh anong akala niya sa akin weakling.

Sumugod ako at pinipilit na patamaan siya ng hawak ko na katana. Wala akong pakialam kung masugatan man siya basta gusto kung makalabas sa hawla ko.

"Hime, stop this."

"No, I wont. Not unless you let me go out."

"Gomen nasai pero hindi talaga pwede."

"Then I have no choice but to do this!" Napangiti ako ng masugatan ko sa balikat si Takeshi at lumantad ang tattoo nito na isang rosas na simbolo ng aming angkan.

"Takeshi, Yukiko-hime tumigil kayong dalawa!"

Tss. Ang asungot na si Magnus nagpakita ano na naman kailangan niya.

"Yukiko-hime, get ready."

"At bakit?"

"Makikipagkita ka kay King-sama ngayong gabi."

"Paano kung ayaw ko."

"Makikipagkita ka King-sama and its not a request." Nilingon nito si Takeshi at inutusan na tawagin ang mga maidens upang tulungan ako mag-ayos.

Ganito ang buhay prinsesa pero hindi puro karangyaan ang nararanasan ko dito kailangan ko maging alerto sa lahat ng bagay dahil walang tigil sila sa pagsubok ng kakayanan ko. Sabi nga ni Takeshi ginagawa daw ito sa akin upang ipaghanda ako sa mga darating na panahon. Tss. Anong panahon na man yon.

"Takekun!"

Lumingon ito sa akin at nakita kung bahagya itong nagulat. Anong problema nito. Inaayos ko naman ang suot ko kimono. Kanina pa ako na ngangati sa suot ko.

"Hoy! Tatayo ka na lang ba dyan Takekun!"

"Ha? Pasensiya na Yumiko-hime."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na Yukiko lang kung tayo lang dalawa."

The Aquarius: Gangster / Yakuza Princess (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon