"Promise-Sorry Note"

1 0 0
                                    

Dear Jirah Muchica,

Muntikan ko ng isuka yung inalok mong California Maki kanina kase sa totoo lang ayoko ng gulay.
Hindi ko siguro nagustuhan na magkasama ang magkaibang klase ng gulay at prutas na 'yon sa isang putahe kasama ang iba pang sangkap tulad ng chicharon at di ko malaman kung karne ng manok o baboy pero sorry ngayon ko lang din kase yun natry tsaka malamang hindi yun yung tamang oras para kumain ng ganoong klase ng pagkain lalo na't hindi eksakto sa panahon ang rehistro ng panlasa ko para sumubok ng bagong mga bagay. Tagabundok e. Hehe.

Pero napilit mo pa rin ako so talo ako sa tingin mo at hindi yun rason para magbunyi ka agad sa harapan ko habang nanginginig ako dahil hindi ko magustuhan yung naghalu-halong lasa sa bibig ko.

Pero ngumiti ka.
Na gusto kong tawanan kase yan na naman ang ngiti na parang alam mo ang mga susunod na mangyayari.

Nagtira ako ng kapiraso na lampas lamang ng kaunti sa kalahati na gusto ko nang itapon pero nakakahiya sa nagbigay. Ikaw.

Peke pa rin ang ngiti at nanginginig ang laman,hindi naman nandidiri pero hindi lang naging pabor sa'kin ang panibagong lasa na natikman ko.

Kanina lang pinuproblema ko pa kung paano ko sasabihin na sa mga problema kong itinago ay gusto ko ng magpakamatay dahil pinapatay na ako ng sistema ko na sa sobrang lungkot ko na'y nalimutan ko ng mag-isip ng matiwasay pero buti na lang nandyan ka. Sa dami ng problema ko,hindi ko naisip na nandyan ka pa pala. Oo nga,ikaw pa pala.

Akala ko kase problema kita..akala ko ay kasama ka sa problema ko.

Pero may bago.
May bago.

Hindi pa rin pala kita kilala.

Malamang sa malamang ay mababatukan mo na naman ako ulit bukas dahil siguradong namumugto na naman ang mga mata ko dahil mamaya nanamnamin ko ang lasa ng tinabi kong "regalo" kasama ng pag-iisip kung bakit sa dami ng pagkakataong pinagsamahan nating dalawa ay heto ka na naman.

Iiiyak ko 'to mamaya.
I'm sure of that.

Paalam.

Nagmamahal,
Maestro Dan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Biro Lang"Where stories live. Discover now