"Kukuha lang ako sa labas."

Naglakad ako palabas ng pintuan, pero agad ko din 'yong pinagsisihan, hindi ko alam na nandon sila. Sana hindi nalang nauhaw si Chanyeol.

Bakit ganon? Bakit saglit lang... wala na ulit akong halaga sakanya. Bakit ang bilis? Tumalikod lang ako sandali. Akala ko ba ako na?

Dumaan ako sa harap nila na parang walang nakita at lumapit kay Kyungsoo. "B-baek---"

"Tubig."

"Ha?"

"Nauuhaw si Chanyeol, wala nang tubig sa kwarto." Tumango sya bago hatakin si Jongin paalis.

Hindi ko alam kung galit ako, o kung nasasaktan ako, o kung malungkot ako. Basta ang alam ko lang, ayokong makita sya. Ayokong makatabi sya, at ayokong marinig kahit ang boses nya.

"Baek!" Naramdaman kong hinawakan nya ko sa braso. Gusto kong pumalag, magwala, saktan sya, pero hindi ko magawa.

"Luhan! Nandyan ka pala, pati si Sehun. Hindi ko kayo napansin. Sorry."

Wag mo kong tignan ng ganyan Luhan.

Bigla nya kong niyakap. "Baek, mali ka ng iniisip, hindi yon tulad ng akala mo. Hindi ko-----"

Tumawa ko bago kumalas sa yakap nya. "Ano bang sinasabi mong akala? Atsaka wag mo kong yakapin Lu, intindihin mo naman yung mararamdaman ni Sehun."

Intindihin mo naman sana yung nararamdaman ko.

Dalawang beses. Hindi pa ba sapat yung dalawang beses na makita ko syang hinalikan ni Sehun para maramdaman ko to.

"Baekhyun."

"Luhan, hindi mo ko boyfriend. Si Sehun ang boyfriend mo diba?" Tinignan ko rin si Sehun.

"Mali ka ng akala Sehun." Ngumiti ako sakanya bago naglakad papasok ng kwarto ni Chanyeol. Konti nalang, babagsak na ang tuhod ko. Konting-konti nalang.

Kaya pagkasarang pagkasara ko ng pintuan, napaupo nalang ako sa sahig.

Ikaw lang Luhan, ikaw lang ang kaisa-isang nagparamdam sakin na wala akong halaga.

"Baek?"

Nakatingin sakin si Yeol. "Baekhyun!" Tatayo sana sya pero pinigilan ko sya. "Hindi mo pa kaya. Humiga ka muna."

"May nangyari ba Baek? B-bakit ka umiiyak?"

Pinunasan ko agad yon. "Napuwing."

"Baek, wag mo kong lokohin. Napuwing? Anong nakapuwing sayo, alikabok na sin-laki ng mani?" Natawa ako sa sinabi nya.

"Wala alikabok na ganon kalaki Chanyeol. Lasing ka ba?"

"At walang napuwing na mata, ang ganyan ang itsura."

Napairap nalang ako sa kakulitan nya. "Tell me."

Hindi.

"Baekhyun, sabihin mo sakin please?" He's pleading.

Pinagmuka nya kong tanga.

Pinakita nyang wala akong halaga sakanya.

Pinakita nyang hindi totoo lahat,

...na hindi parin ako...

...na wala paring kami.

...na sya parin.

"Baekhyun, tahan na."

Nasasaktan ako.

"Baek, you're hurting me too."

Umiling ako bago punasan ang luha nya. "Don't. Stop crying because of me Yeol. Hindi mo ko dapat pinag-aaksayahan ng luha mo."

Pinili ko 'to kahit alam kong hindi nya kayang sabihin kay Sehun yung totoo. Tinanggap ko kahit na alam kong nandyan parin si Sehun sa puso nya.

I lose. Talo ako.

I can't go back to the start and hurt other people because of my own stupidity.

"Kung ganyan lang din ang ipaparamdam nya sayo, mas mabuti pang, akin ka nalang ulit."

---

MWAHAHAHAHA! I LOVE YOU ALL. LOVE ME BACK PLEASE.

MWEHEHEHEHE!

Okay. Konti nalang guys! Please hang on a little bit more. Malapit na tayo. Konting konti nalang! Trust me with this story guys. I won't disappoint you.

sehubo

BaekHan: Top or Bottom [editing]Where stories live. Discover now