34

1.5K 93 29
                                    

Chanyeol

Buntis sya...

Paano? Bakit? Paanong? Anong nangyari? Anak ko ba yon? Sakin ba yung dinadala nya? Bakit hindi nya sinabi? O sakin nga ba? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ko.

"Hinding-hindi mo na sya makikita pa Chanyeol! Kahit dulo ng buhok nya, hindi ko na hahayaang mahawakan mo! Tandaan mo yan Park!"

Sinuntok ko yung manibela. Tangina. Tangina talaga!

"Sabi ko naman sayo wag ka nang pumunta diba? Bakit ba kasi ang kulit mo? Anong nangyari? May nangyari ba sayong masama?!" Tanong ni Joy, tinignan ko siya sa tabi ko.

"Tumahimik ka na nga!!! Bakit ba hindi mo ko pinigilan nung gabing yon?! HA?! WALA KANG KWENTA! ANONG KLASENG NURSE KA?! MINSAN KA NA NGA LANG UMUWI, HINDI MO PA KO MATULUNGAN!-

"Park Chanyeol!!!"

Nakatanggap ako ng matatalim na tingin mula sakanya.

"Nurse mo ko! Umuwi ako dito para tulungan ka! Naiintindihan mo ba ko? Kung hindi dahil sa request nila Auntie na ako ang mag-nurse sayo, tingin mo uuwi ako?! Atsaka paano ka gagaling kung ikaw mismo hindi mo kayang tulungan yang sarili mo? Hindi ka ba nahihiya sa psychiatrist mo? Ginagawa nya lahat para tulungan ka!"

Huminga ako ng malalim. Bumilang ako ng sampo bago muling tumingin sakanya. Mas kalmado ngayon. "Sorry. Sorry Joy."

Tumango sya. "Uminom ka ba ng gamot mo pagkagising mo kaninang umaga? May appointment ka ngayon kay Dr. Zhang Yixing." Tumango ulit ako.

"May kasunduan tayo Chanyeol. Huling beses mo nang pag-inom yung kagabi."

Tinignan ko sya.

"Joy. Hanapin natin si Baekhyun. Kailangan kong humingi ng tawad. H-hindi ko sinasadya. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Pangako, hinding hindi na ko iinom. Please, tulungan mo lang ako." Hinagod nya ko sa likod bago punasan ang pisngi ko.

BaekHan: Top or Bottom [editing]Where stories live. Discover now