Natauhan ako ng sagiin ako ni Cleraine at namumula akong napatingin sa kanya. At sinalubong ako nito ng taas ng kilay na para bang ipinahihiwatig na 'magpaliwanag ka sa akin'



"Na..na-naandyan ka na ba ka-kanina pa sa k-k-kwar--" hindi ko alam kung bakit hindi ko maderetso yung salita ko.





"Yeah" at umalis na ito at nagpunta sa kusina.




"Anong meron sa inyo ha?" Si cleraine





"Alam mo bang wala pang nakakapasok sa kwarto ni von kundi ikaw pa lang? Kami na tropa nya hindi pa nakakapasok doon kahit kelan." Si griff na tinitigan ako maigi






"At alam mo ba na napakaarte nyan sa damit. Hinsi yan basta basta nagpapasuot ng damit lalong lalo na at paborito nya pa ang damit na suot suot" sabay turo naman ni Yuhan sa damit na suot suot ko





"Best umamin ka nga. Isinuko mo na ba ang bataan? Talaga bang masakit sa umpisa pero kalaunan masarap na? Ano feeling? Kwen--asdfghjkl" salamat kay griff at pinigilan nya ang armalite na boses ng bestfriend ko.



Para akong ginigisa dito sa mga tanong nila. Gingisang buhay dahil maski ako. Hindi ko alam ang sagot sa tanong na yan.






Nagulat na lang ako ng hawakan ako sa magkabilang balikat ni Yuhan at binulungan



"If may alam kana. Patutor please---awwww bakit ka ba nambabatok labs"





"Ayus ayusin mo bunganga mo Yuhan ha. Bestfriend ko yan. Lintik ka!" Busangot na sabi ni best.




At ayon na nga po nagbunganga na sila habang ako tigas dito sa kinatatayuan ko hanggang sa may humablot na lang sa akin at dinala ako sa kusina.



"Eat. Cleraine have a spare uniform and you gonna use that. Were going to school." Tulala na lang akong tumango sa kanya at nag ayos ng sarili.





--


"Faster." Sabi sakin ni Von habang bumaba sya sa kotse nya.




Nagmadali naman ako sa pagbaba at mabuti na lang at walang nakakita sa akin.



Dedma din naman si von at iniwan na lang ako. Nauuna syang maglakad sakin habang ako ay dahan dahang naglalakad dahil until now iniisip ko pa din kung pano ako napunta kina Von


"Ang lungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nag drop out"




"Mamimiss ko sya promise"




Then biglang may umilaw na light bulb sakin



Si Kite!



Oo si kite





Siya yung huli kong kasama. Ang alam ko bigla akong nahilo habang nakain kami. Tapos bigla akong nawalan ng malay.




Pagkagising ko. Pak! Nasa bahay na ako ni best.





Pero paano?





Napatigil ako sa paglalakad sa pag iisip ng biglang may nanggulat sa akin.





"Ay talipandas na palakang sumukob sa silong ni Mang kepweng! Ano ba?" Paglingon ko ay ang makangiting mukha ni Devil ang naabutan ko.



"Ang saya saya ko ngayon" at niyakap nya ako sa likod kahit na may mga iilang estudyante pang nagdadaan sa lugar namin




Nakakarinig ako ng mga impit na tili habang yung iba naman ay malalalim na mga buntong hininga.


The Cold Devil Heartthrob is my BOYFRIEND?! (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon