Soul 12: Gold

Magsimula sa umpisa
                                    



Wala pang isang oras ay bumalik na ang isa sa mga sinugo ko. Napasinghap ako dahil sugatan ito at duguan. It even lose one of its eyes.



"What happened?" gulat na tanong ko. It growled with unusual noise. I could understand what the beastly wolf wants to tell me. Napansin ko na naglaho ang mga magical portal sa lupa. Isa-isang naglaho ang ibang kasamahan nito hanggang sa wala ng natira.



"They're using magic too, huh?" seryosong saad ko. "Go back now. Thanks for your help," mahinang saad ko. I even patted the head of the beastly wolf before it disappeared. Muli akong tumingala sa black crescent moon. The officials are using magic and I'm sure it's connected to that mark. Nagmamadali na akong bumalik sa silid ni Zirrius. Humiga na ako sa kama niya at pinakawalan ang katawan niya.



Nag-aalala ako para sa kaligtasan ni Zirrius. There's no safe place for him on this kingdom. Fuck! Pinag-aalala niya ako gayong ni hindi man lang siya nag-aalala sa mangyayari sa 'kin kapag pinaalis niya ako sa katawan niya. This is unfair! I shouldn't feel this! Pinilit kong hindi isipin si Zirrius. This was his fate. Hindi ko dapat pakialaman kung ano ang nakatadhanang mangyari sa kanya. If he will die then he's just unfortunate. This was just the end for him.



~~~~



Maagang bumangon si Zirrius. Nakapagdesisyon na ako. Simula ngayon, hindi na ako makikialam pa sa buhay niya. Hindi ko na siya guguluhin. Hindi ko na rin sasabihin sa kanya ang nalalaman ko dahil wala rin naman siyang magagawa at tiyak hindi siya maniniwala. Baka magalit pa nga siya sa 'kin dahil sa pagkontrol ko sa katawan niya.



Nakapagdesisyon na rin siya. Hindi na talaga magbabago ang isip niya dahil pagkatapos kumain ay nagtungo na siya sa kwadra ni Aris. Muli siyang pumunta sa baryo nina Lolo Zark. Gusto na talaga niyang makausap si Zach. Tahimik lang ako habang binabantayan ang bawat kilos niya.



Hindi na nahirapan si Zirrius sa pagbalik sa baryo. Agad siyang nakapasok. Nadatnan niya si Lolo Zark na nakaupo sa isang bangko sa harap ng tahanan nito. Nakatingin ito sa mga kabataan na masayang naglalaro sa daan.



"Lolo Zark, magandang araw. Nandiyan na po ba si Zach?" mahinang tanong ni Zirrius. Nabaling kay Zirrius ang atensiyon ni Lolo Zark.



"Kadarating lang niya, Prinsipe Zirrius," sagot ni Lolo Zark.



"Zirrius?" tanong ng lalaki mula sa likod ni Zirrius.



Agad na lumingon si Zirrius sa pinagmulan ng tinig. Isang lalaki na kasing tangkad niya ang napansin ko. He has this cute caramel eyes like Rein. Halos magkamukha silang dalawa. Maamo ang mukha ni Zach katulad ng kapatid niya pero matikas ang pangangatawan niya. Maikli ang tuwid na buhok niya. Manipis ang labi at matangos ang ilong. At napansin ko na hindi na siya nagtaka nang makita si Zirrius.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon