Chapter 24: Sign (part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang lakas ng impact sa'kin ng mga sinabi ni William. He's right, dapat sagutin ko na si Jeron. Pero bago 'yan, kailangan ko munang hanapin 'yung necklace kasi wala akong mukhang ihaharap sa kanya kapag nawala talaga 'yun.

Nag-stroll kami ni William sa mall, pagkatapos nun, umuwi na rin kami. Sandali lang din kami, kasi birthday daw pala ng kapatid niya ngayon. I also bought a gift for his brother, kahit na hindi ko naman siya kilala. Wala lang, na-trip-an ko lang bumili.

Pagkauwi ko sa bahay, hindi pa gising si dad at 'yung mga kapatid ko mula sa afternoon nap nila. Si mama lang 'yung gising at nasa kusina siya.

Mama: O Mika, you're already here. Nag-merienda ka na ba?

Me: Oo, ma. Tapos na.

Mama: Mika, anak, usap tayo. *smiles*

Me: Ah, o sige.

Umupo kami sa sofa. We sat beside each other, then she held my hand.

Me: Ma?

Mama: O?

Me: Wala lang. *looks away*

Mama: Alam ko, naninibago ka 'no? Well, narealize ko rin na minsan ka na lang umuwi dito sa bahay, dapat sulitin na natin 'yung mga pagkakataong magkasama tayo. Kasi kapag nawala kami ng papa mo dito sa mundo - pero sana naman, 'wag muna *laughs* - hahanap-hanapin niyo kami. Mika, mahal ko kayong mga anak ko. Ayokong mawala kayo sa akin. Kaya habang kasama pa natin 'yung mga mahal natin sa buhay, dapat sinasabi mo na 'yung mga salitang gusto mong sabihin sa kanya kasi walang kasiguruduhan ang buhay. Hindi mo alam kung kelan ka kukunin ng Diyos mula dito sa mundo.

Then, she caressed my hand and leaned her head on my shoulder.

Mama: I love you, anak.

Me: I... love you too, ma.

Pero naguguluhan pa rin ako. Ba't 'to ginagawa ni mama sa'kin? Tsaka 'yung mga salitang sinasabi niya... saktong-sakto sa sitwasyon namin ni Jeron.

Mama: Kamusta kayo ni Jeron?

Me: Okay lang naman kami. Ba't mo natanong?

Mama: Wala naman. Sinagot mo na ba siya?

Me: *napayuko* Hindi pa e.

Mama: Bakit?

Me: E kasi ma, hindi ako makahanap ng right timing. Nung nakahanap naman ako ng tiyempo, nagkaroon ng problema. Sinugod 'yung dad niya sa ospital.

Mama: Anong nangyari sa papa niya?

Me: E, lack in potassium daw. Pero okay na siya.

Mama: Gusto ko na ngang ma-meet 'yung mga future balae ko e.

Me: Ma naman. Pero sasagutin ko na si Jeron pag-uwi ko sa Manila.

Mama: O sige, aabangan ko 'yan. Kapag kayo na, punta kayo agad dito at ipaghahanda ko kayo ng masarap na pagkain!

Me: *laughs* And speaking of masarap na pagkain, punta ka na sa kusina kasi diba nga, nagluluto ka?

Mama: Ay, oo nga pala. Sige, puntahan ko lang 'yung niluluto ko, baka nasusunog na.

Natawa na lang ako kay mama. Pero ang daming nangyari ngayon na mas nagtulak pa sa akin para sagutin si Jeron. Tama. Sasagutin ko na siya as soon as possible.

Lucky (an Ara Galang - Thomas Torres fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon