Soul 11: Better Or Worst

Magsimula sa umpisa
                                    


"Ano ba ang kailangan niya sa 'yo? If she's an elf, wait... She's an elf?" gulat na tanong ni Lolo Zark. Ngayon lang niya napagtanto ang lahat. Napanganga pa siya dahil sa gulat.


"Saan siya nanggaling? Hindi ba malayo ang kanilang lupain?" kunot-noong tanong ni Rein. "Ano'ng ginagawa niya sa lupain ng mga tao?"


Mariing umiling si Zirrius dahil naguguluhan din siya. Wala nga pala akong binanggit sa kanya kung bakit gusto kong makabalik sa Elfania. Ang lagi ko lang sinasabi sa kanya ay ang makuha ang katawan ko. Hindi niya alam ang nangyayari sa kaharian ko. Napansin ko ang pagiging seryoso ni Lolo Zark.


"Bakit ka ba umalis sa katawan mo?" naguguluhang tanong ni Zirrius sa 'kin. I have too many secrets. These secrets are starting to breed lies.  Pero kaya ko bang ibahagi kay Zirrius ang mga sikreto ko? Hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado sa kanya.


"Hindi mo na kailangang malaman, Zirrius. Gusto mo na naman akong mawala, hindi ba? Bakit itinatanong mo pa?" saad ko at mapapansin ang hinanakit sa boses. Alam ko naman na wala akong karapatang magalit sa kanya pero hindi ko maiwasan.


"Saan siya nagmula?" seryosong tanong ni Lolo Zark. Napalunok si Zirrius. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong ni Lolo Zark. Inaalala niya ako.


"Sagutin mo na. You already told him that I'm an elf," naiinis na saad ko. Bumuntong-hininga si Zirrius. "I guess this is the right thing to do," he told me.


"Elfania," mahinang sagot niya. Rein gasped. Tila nagulat siya dahil sobrang layo ng Elfania sa Alveria. Natigilan naman si Lolo Zark. Tila may gusto siyang sabihin kay Zirrius pero hindi niya masabi. Malalim na bumuntong-hininga si Lolo Zark.


"Bumalik ka rito bukas, Prinsipe Zirrius. Pag-iisipan kong mabuti ang mga sinabi mo. Pag-isipan mo ring mabuti kung gusto mo talagang paalisin ang kaluluwa sa katawan mo. Tiyak na may mabigat na dahilan kung bakit siya dinala rito ng tadhana," seryosong saad ni Lolo Zark. Tumayo na siya at mabagal na naglakad patungo sa silid niya gamit ang tungkod niya. Naguluhan si Zirrius dahil sa makahulugang winika ni Lolo Zark. Maging ako ay nagtaka dahil sa malalim niyang salita.


"Pasensiya ka na, matanda na kasi si Lolo Zark kaya hindi ka niya matulungan," pilit ang ngiti na wika ni Rein. Zirrius nodded with understanding but he was confused.


"Pasensiya na rin sa abala. Babalik na lang ako bukas," pamamaalam ni Zirrius. Naglakad na siya palabas ng munting bahay. Nasa likod lang niya si Rein.


"Nag-aaral ka rin ba ng mahika?" tanong ni Zirrius kay Rein. Tumango si Rein na kasabay na niya ngayon sa paglalakad nang makalabas sila ng bahay.


"Kailangan kong mag-aral ng mahika para sa mga kasama ko sa baryong ito. Wala kaming matataas na batong pader upang proteksiyunan ang aming mga sarili. Ito lang ang tanging paraan para mabuhay kami. Ginagamit ko ang mahika sa panggagamot," sagot ni Rein.


Lihim na nasaktan si Zirrius para sa mga taong nakatira sa baryo. Kung maaari lang niyang ibalik ang mga ito sa Alveria, ginawa na niya. Pero alam niyang walang lugar sina Rein sa Alveria dahil sa hari. Pero naalala niya ang sinabi ko noon. He must free magic and let these people live on Alveria Kingdom. Ito lang ang tanging paraan na naiisip niya upang maproteksiyunan ang mga tao sa baryong ito. "Ayaw ba ninyong bumalik sa Alveria?" mahinang tanong ni Zirrius. Tumingala siya sa bughaw na langit kung saan makikita ang malalayang ibon na lumilipad.


"Gusto namin pero mas hindi kami ligtas sa lugar na 'yon," malungkot na sagot ni Rein. Mapait na napangiti si Zirrius.


"I'm sorry," mahinang sabi Zirrius nang tumingin siya kay Rein. Umiling si Rein at malungkot na ngumiti. "Hindi mo kailangang humingi ng patawad dahil alam ko naman na may ginagawa ka. Alam kong hindi mo kami pababayaan. Maraming salamat sa 'yo, mahal na Prinsipe," she said with gratefulness. Bigla akong nalungkot. Hindi ko napigilan ang sarili na isipin ang mga nasasakupan ko sa Elfania. Kamusta na kaya sila?


Ngumiti lang si Zirrius at tumungo kay Rein upang magpaalam. Tumagos na siya sa magical barrier at sumakay kay Aris. Nagmamadaling bumalik siya sa kaharian. May mga pagpupulong pa na dapat niyang daluhan.


~~~


Nag-uusap na naman ang matataas na opisyal sa mga panukalang gusto nilang ipatupad sa buong kaharian. Napansin ko ang kagustuhan nilang magpataw ng mataas na buwis sa mga mamamayan na tinutulan naman ni Zirrius at ng ibang mabababang opisyal. Mabuti na lang at hindi ito inaprubahan ng hari.


Nang matapos maglahad ng kani-kanilang panukala ang mga matataas na opisyal ay si Zirrius naman ang nagsalita. "Mahal na hari dahil makikipagkasundo na naman tayo sa ibang kaharian na gumagamit din ng mahika, hindi ba maaaring hayaan na rin natin ang mga taga-Alveria gumamit nito?" nagbabaka sakaling saad ni Zirrius. Natigilan ang lahat at nabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat. Maging si Leo na tila walang pakialam kanina sa pagpupulong ay bumaling ang atensiyon sa kanya. Agad na tumutol naman si Lord Kelvin. "Hindi maaari ang sinabi mo, Prinsipe Zirrius. Baka magkagulo ang mga tao kapag ibinalik pa natin ang paggamit ng mahika." Matiim namang tumitig kay Zirrius ang hari.


"Tama si Lord Kelvin. Hindi na natin ibabalik ang paggamit ng mahika sa Alveria. Makikipagkasundo tayo pero hindi ibig sabihin nu'n ay dapat natin silang gayahin," seryosong sagot ng hari. Maging ang ilang matataas na opisyal ay sumang-ayon sa hari. Tiningnan kong mabuti ang mga mukha ng mga opisyal na ito. Bumuntong-hininga si Zirrius.


"Pero, mas makatutulong ito kapag may mga kaaway tayong gumagamit ng mahika at---" Natigilan si Zirrius nang sumabat na sa usapan si Leo.


"Huwag mo ng ipilit ang gusto mo Zirrius. Iba na ang panahon natin ngayon. Matagal nang hindi gumagamit ng mahika ang mga tao. Mahihirapan na silang bumalik sa dati nilang buhay," seryosong saad ni Leo.


"Huwag mo ng ipilit dahil baka maparusahan ka pa," seryosong dagdag pa ng hari. Zirrius silently gritted his teeth but he managed to nod. Natapos na ang pagpupulong kaya napapagod na dumiretso siya sa kanyang silid.


"You're unexpectedly silent," seryosong saad niya sa 'kin.


"Ano'ng gusto mo? Matuwa pa ako? You want to get rid of me, for Pete's sake!" naiinis na saad ko sa kanya. Natahimik siya. Nakaupo siya sa kama niya at mariing napahilamos sa mukha.


"This is for the better," naiinis na saad niya.


"Or maybe for worst," sarkastikong sabi ko sa kanya. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. I hope the gods could help me. I need their help now.


-------------------------

TO BE CONTINUED...


Haha. maiikli lang talaga ang mga update ko dahil baka hanggang 100 chapters to. Hahaha. Thanks for reading, comments and votes. <3

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon