"Nagtanong ako sa daddy mo kung may manliligaw ka na ba," aniya.

Suminghap ako at humarap kay daddy. Ngumuso ako at sumama ang tingin ko sa kanya. Nagkibit siya ng balikat.

"Wala po mommy," mariing tanggi ko. I don't really have suitors! Oo, may nagpaparamdam. Pero bago ko pa sila mapansin ay bigla na lang silang nawawala.

"Sure, anak? How about boy... friends?" tanong niya.

Lumunok ako ng dalawang beses. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. By the way she stressed the space between the words boy and friend.

"M-may mga kaklase akong lalaki, mommy. Siyempre ay kaibigan ko rin sila," untag ko at nataranta nang marinig kong humalakhak si daddy.

Nagpapadyak ako sa inis. Tumawa ng tumawa si dad at umiling. I heard mom's curious hums. Ano ba itong si daddy? Nagdududa tuloy si mommy.

"Oh, of course, anak. Makipagkaibigan ka sa mga kaklase mo riyan. But please know your limitations, okay? Dalaga ka na..." aniya. "Pero bata ka pa rin."

Suminghap lang ako nang suminghap sa frustration. Kinabahan ako roon! Kahit hindi naman dapat ako nerbyusin dahil wala naman talaga.

Ibinalik ko ang telepono kay daddy matapos ng mahabang bilin mula sa aking ina. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing madadako sa lalaki ang aming pag-uusap. Just what the fudge? Hindi naman ako nagpapaligaw pero mas marami pa ang mga payo tungkol roon kaysa makarinig ako sa kanya ang mga payo tungkol sa pagpapabuti ko sa aking pag-aaral. I need those kinds of advice more than what she just gave to me.

Kilala ni mommy si Celine. Naikwento ko na ito sa kanya. And because Conrad is Celine's twin, I can't avoid including him in my stories. Parati naman kasi namin siyang kasama ni Celine sa lahat ng aming gagawin. Kaya hindi maaaring isantabi ko siya kapag nagkikwento ako.

What they don't know about Conrad is that aside from being my friend, he is my crush too.

"Boo!"

Mariin akong napapikit matapos mapatalon dahil sa nanggulat. Hindi ako gumawa ng anumang ingay dahil batid ko kung nasaan ako. Humigpit na lang ang kapit ko sa aking pen at huminga ng malalim. He just won't stop doing that! Parati niya akong ginugulat! Kaya nga bago ko pa makita ang kanyang mukha o marinig ang boses ay matindi na ang paghuhurumentado sa aking dibdib.

"Ewan ko sa'yo, Conrad," kalmado kong sambit. Mahina akong nagsasalita dahil bukod sa nasa library kami ay pinipigilan ko ang impit na boses kapag nilakasan ko iyon. Alam kong tatraydurin ako ng boses ko.

Bumungisngis siya at umupo sa aking tabi. Narito ako sa isang table na malapit lang sa mesa ng librarian. Nilalagyan ko ng colored stickers ang mga librong dumating kanina. Ito ang nagsasaad ng assigned sections ng mga libro sa library. Ito ang trabaho ko para sa hapong ito.

"Hindi ka pa tapos?" tanong niya nang tumigil siya sa kanyang maliliit na tawa.

Hirap akong tapunan siya ng tingin dahil hindi pa ako nakakabawi. So I didn't look at him even when he's watching at me. I want to calm myself first before another round of fast heartbeats. It always happens every time I feel his presence, I see him, or just by merely hearing him breathe.

"Mukha bang tapos na ako?" pabalang kong sagot habang nilalahad ang kamay sa mistulang tore ng libro na didikitan ko ng sticker.

Hindi siya sumagot. Ilang segundo pa at nang mainip na ako ay nilingon ko na siya. Nakanguso siya at nakasandal sa upuan. His lips were quivering.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" bulalas ko. Kaunting lakas lang ng boses para maipakitang naiinis ako.

"Am I laughing, Elaine? May naririnig ka bang tawa?" tanong niya. Ngumuso ulit siya at balikat naman niya ang nagsimulang manginig.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now