Wala nang mangungulit sa'yo

224 6 4
                                    

Wala nang mangungulit sa'yo

"Oy Drake ayun si Miss Mermaid oh!" rinig kong sabi ng isa sa mga kabarkada ni Drake.

Sanay na ako sa mga yan, araw- araw nilang ginagambala ang buhay ko. Mga walang magawa sa buhay, palibhasa walang pangarap sa buhay.

"Hello Sena!" Sabi ni Drake habang nakaharang sa pintuan ng classroom

Inirapan ko lang sya at tinulak.

"Aww..." kantsaw ng mga kaibigan nya.

"Sena may nagawa ba akong masama?" At umupo sya sa table nya na katabi ng table ko

"Drake pwede ba tigilan mo na ako? Nakakairita ka!"

"Hala! Wala naman akong ginagawang masama ah!" Nanlaki pa ang mga mata nya

Inirapan ko lang sya at nag focus na sa pag rereview para sa quiz namin.

Siya si Drake, kaklase ko na sya since freshmen ako, at simula rin nung araw na yun naging magulo na ang buhay ko.

"Hello Sena! Good morning!" Nakangiting bati sa akin ng bestfriend ko na si Jasmine

"Good morning Jas!"

"Good morning Mermaid!" sabat ni Drake

Huminga ako ng malalim at bumaling sa kanya

"Pwede ba wag kang epal?"

Yumuko sya

"Sorry. Gusto ko lang naman na ngumiti ka sa akin."

Ngumisi ako

"Can you please stop your drama?" iritang sabi ko sa kanya

Hindi lang sya kumibo, Tumayo sya at sumama ulit sa mga barkada nya. Umagang- umaga sinisira ni Drake ang araw ko.

Alam kong iniisip nyo na ang sama- sama kong tao dahil sa mga ginagawa ko kay Drake pero kasi nakukulitan na ako sa kanya, Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na wala syang pag asa sa akin pero nandito pa rin sya at kunukulit ako. Ayoko sa lalaking makulit, easy go lucky at mabarkada. Ang lahat ng iyon ay na kay Drake.

Maya- maya ay dumating na ang teacher namin at nag simula na syang mag turo. Kailangan kong makinig mabuti dahil ilang araw akong absent, nag kasakit kasi ako. Kokopya na rin ako ng notes mamaya kay Jasmine.

"Ok you may take your break." saad ng teacher namin.

Agad kong kinalabit si Jasmine na nasa harapan ko at hiniram ko ang notebook nya.

"Tara Sena! kain na tayo!" aya ni Jasmine

"Ikaw nalang Jas, marami pa akong kokopyahing notes eh."

Tumango lang sya at lumabas na sa classroom. Tumingin ako sa paligid at nakita kong ako nalang pala mag isa ang nandito sa classroom. Buti nalang para makapag concentrate ako.

Habang nag susulat ako, nakaramdam ako ng gutom, wrong timing!

Napatalon ako ng biglang may nag lapag ng bottled water sa table ko, pag tingin ko si Drake pala.

"Nauuhaw ka? Eto oh inom ka ng tubig. Nagugutom ka? Eto oh binilhan kita ng burger." at nilapag nya rin ang burger sa table ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan. Hindi pwede to.

Tiningnan ko ang pagkaing inilapag nya sa table ko. Ngumiti ako ng palihim, kahit talaga anong gawin ko sa lalaking to hindi nya kayang magalit sa akin.

"Kumain ka muna. Ako nalang kokopya ng notes mo."

"Hindi na! Ok lang ako, Thank you."

Biglang nanlaki ang mga mata nya, Ang cute nya talaga pag ginagawa nya yan. Hindi ko ipagkakaila na may itsura talaga si Drake kaso saksakan ng kulit

Wala Nang Mangungulit Sa'yo (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon