.Respect his decision.

2 0 0
                                    


Ito na, tatanungin ko na nga ba? Bukas nalang siguro. Di ko kaya. Pero di pwede. Ito lang ang sagot sa katanungan ko. At kahit di man ako ang gusto niya, atlis nag confess ako sakanya ng feelings diba?

Ito na. Ito na talaga.

"Ryan, kayo ba ni jean"

"Haha. Bat mo natanong?"

"A-e. Wala naman. Haha"

"Oo eh. "

Nagsimula ng maging blurr ang paningin ko. Nararamdaman ko naring tumutulo ung mga luha ko. Huwag muna! Huwag naman sa harapan niya.

"Ay? Bakit?"

"Huh. Ano namang klaseng tanong yan "

"Haha. Wala. Sige na. Sagutin mo na. Ang daya naman nito oh"

"Wala eh. Ganda niya"

Konti nalang. Tutulo na talaga.

"Oh, bat natahimik ka?"

"Ah. Hahaha. May sasabihin kasi ako sayo"

"Ano? Parang kinakabahan naman ako sayo Ran "

"Hmm. May gusto ako sayo"

"Hahaha. Joke ba yan?"

Di ko alam kung anong isasagot ko. Napatahimik nalang ako

"Im sorry"

Nung narinig ko na ung mga salitang yan, di ko na napigilan. Tumakbo ako palayo sakanya. Di ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan pupunta tong mga paa ko. Hinayaan ko nalang tumulo tong mga luha kong tanging nakakaintindi sa mga nararamdaman ko ngayon.

Di ko alam ang mangyayari bukas. Kung anong mukha ang ihaharap ko sakanya after my confession. Bahala na bukas. Hayaan ko munang ubusin tong mga luhang to hanggang wala ng luhang tumulo pa.

H.U.R.T.Where stories live. Discover now