Heal the scar

4 1 0
                                    


Ganun pala makaranas ng pag-ibig. Pag pumasok na, di ka na makakaalis at di mo na matatakasan. Parang sa isang kanta.

"Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito"

Tsk. Mahirap panindigan kung wala na talaga. Mahirap magpakatatag kung ikaw lang pala ang nagpapatibay. Mahirap bumitaw kung alam mong wala ka namang pinanghahawakan simula nung una. At sa huli, paano ka magmomove on kung wala naman talaga. One sided love nga naman.

Ung feeling na meron ka na. Taken na. Pero ayaw mo kasi di naman talaga siya ung gusto mo. Bat mo nga pinatulan? Kasi walang magawa? Kasi wala lang. Trip lang. Pinag-aaralan mo namang ibalik ung feeling niya. Pero mahirap. Parang malayo ngang mangyari. Iniintindi mo pero ayaw intindihin ng puso mo na siya nalang.

Kung siya ba ung mahal mo, mamahalin mo rin ba siya? 'Depende.'

Haays. Kunwari sa isang elevator. Isusuksok mo pa ba ang sarili mo kung puno na at may laman ng iba? Pero bat mo isusuksok at kailangan pang makipagtulakan kung pwedeng hinatayin nalang ang susunod na bubukas? Pero bat mo pa hihintaying bumukas kung pwede ka namang maghagdan nalang? Bat ka pa maghahagdan kung nakabukas na ung hinihintay mo? At bakit ka pa nagsasayang ng oras kung meron pang isang elevator sa susunod na floor pero kailangan mo nga lang pumunta sa hagdan para makapunta ka dun?

Sa pag-ibig, kung di man siya para sayo, hayaan mo nalang. Kayo rin naman ang kawawa kapag di magwork diba? Malay mo, meron parin ung nararapat sayo at di siya.

At ang pinagtataka ko. Kapag nasasaktan bigla bigla nalang tutulo ung mga luha natin na di na kayang pigilan. Bakit nga ba? Dahil sobrang sakit? Ung mga pangyayaring napapabayaan mo na ung sarili mo, dahil nasaktan ka. Tsk. Di naman kailangang ganun katindi. All you have to do is to smile cause it happened. Kung para sayo man siya, babalik din naman siya sayo kung iniwan ka man niya. Second chance nga diba? Pero sana lahat parang Popoy at Basha. Parang kapag nakahuli ka ng paru-paro. Kailangan mo siyang pakawalan kasi alam mong pag pinagpatuloy mo, siya lang din naman ang masasaktan. Pero kung mahal ka niya babalik din siya sayo kahit na pinakawalan mo siya.

Last na. Para saakin di mo naman kailangan ng magandang mukha sa pag-ibig. Kailangan din ng magandang ugali. Magkaka-wringkles din naman ang mukha niya, magbabago na ang balat at puputi na rin ang mga buhok. Ang kailangan mo lang naman ay kasama siyang tumanda at aalagaan ka habang buhay.

H.U.R.T.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt