"Galit ka ba?" takang tanong ni Liana. Umigting ang panga ni Zirrius tanda na hindi niya nagustuhan ang pakikipag-usap ni Liana kay Leo.



"Ano ba ang ikinakatakot mo?" takang tanong ko kay Zirrius. "Huwag kang mag-alala. Kahit ayokong aminin, lamang ka ng isang paligo kay Leo," natatawang saad ko sa kanya.



"Lahat ng babae na gusto ni Leo, nakukuha niya," naiinis na wika ni Zirrius sa 'kin.



"He has quite a reputation then. He must be something. Mukhang magaling din siya sa kama," pang-aasar ko sa kanya. "Mukhang wala kang tiwala kay Liana," natatawang saad ko.



"Wala akong tiwala kay Leo," he said in his mind and frowned. Muntik na niyang makalimutan ang tanong ni Liana dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya.



"Galit ka ba, Zirrius?" muling tanong ni Liana. She was quite irritated. Hindi siya natutuwa sa pambabalewala ni Zirrius sa kanya. Umiling si Zirrius. "Ayoko lang na nakikitang magkausap kayo ni Leo," he answered. I never thought he was this possessive.



"Hindi iyon maiiwasan. Hindi ko siya pwedeng iwasan at balewalain. He's the Prince," seryosong saad ni Liana. Mas lalong umigting ang panga ni Zirrius.



"I'm the real prince here," naiinis na saad ni Zirrius. Natigilan si Liana.



"A prince in distress," natatawang komento ko. He secretly hissed when he heard my voice.



She bit her lower lip. "But... he's the king's son," she whispered. Mas lalong nainis si Zirrius. Tinatahak na nila ang daan patungo sa silid ni Liana. Zirrius was frustrated. Pakiramdam niya wala siyang karapatan sa sarili niyang kaharian dahil sa narinig mula kay Liana. I couldn't do anything but to kept silent. Liana already hit him below the belt. It was a sensitive matter to discuss. Kahit sinong naagawan ay hindi matutuwa kung ganu'n ang maririnig.



"So that means... you're looking forward for Leo to be the next King?" seryoso at mabigat na tanong ni Zirrius. Liana gasped. "I didn't mean it that way!" giit ni Liana. Zirrius sighed as if he was already tired.



"You said he's the King's son," seryosong saad niya. "Kung papipiliin ka sa 'ming dalawa. Sinong pipiliin mo? Ako o si Leo na maaaring maging sunod na hari?" he asked. Ramdam ko na nasaktan siya dahil sa sinabi ni Liana.



"Kailangan mo ba talaga siyang papiliin?" mahinang tanong ko sa kanya. "You're being unreasonable. Leo is not even her lover. Saka mo siya papiliin kung pinagsasabay niya kayo," seryosong saad ko pa. Pero maya-maya lang ay natawa ako nang mahina. "'Yun ay kung kaya mong malaman na pinagsasabay pala niya kayong dalawa." Zirrius secretly gritted his teeth with the thought.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon