Sweet Lies 11

Magsimula sa umpisa
                                    

And then I remembered what happened last Monday. Noong malaman ko ang ginawa ni Vince sa Furnish and Ferns.

Hanggang sa halos mabulunan ako ng iniinom kong iced coffee. Why is that guy suddenly popping in my head?

Marahas akong tumikhim. Kumunot ang noo ko at inilapag ang cup sa glass table.

Kinapa ko ang ponytail sa aking bag at ipinusod ang buhok ko. May naramdaman kasi akong pawis. Weird. Naka-aircon naman.

Vidette and Debbie are still giggling over something online.

May pinapanood sila sa Cosmopolitan page. Maybe a half-naked guy again. I'm used to it.

Napairap ako sa kawalan at suminghap ulit. Sumandal ako sa armchair at hinaplos ang batok ko.

"Holy shit." Bahagyang napabalikwas si Vidette sa kinauupuan niya.

"God... Is that— OMG it's him!" tili ni Debbie.

Kumunot ang noo ko. Bilog na bilog ang mga mata nila habang parehong nakatitig sa cellphone ni Vidette.

Alright. Maybe another Channing Tatum or Ryan Gosling video is again up online. Ganyan naman sila maka-react lagi kapag ganoon.

"Paris," utas na Vidette. Still looking at the video.

"What?" I mumbled. Sumubo ako ng cake.

"You should see this. You really have to," dagdag niya. Napabaling akong kunot noo.

"Ano ba kasi iyan?"

Matapos kong tanungin iyon ay itinapat niya agad sa akin ang cellphone niya. Hinawi ko pa ang kamay niya sa sobrang lapit no'n sa mukha ko.

Itinuon ko ang paningin ko sa screen. I was still sipping on my iced coffee.

It's a photoshoot video.

Bumungad sa akin ang dalawang naka swimwear na babae. I bet they're Latinas. Mahahaba ang biyas. Tall and slender. They're like VS Angels na sobrang sexy.

Sa isang seashore naganap ang photoshoot na iyon. I don't know. Maybe somewhere in West Coast. Ipinagpatuloy ko ang panunuod.

Hanggang sa may lumapit na isang matangkad na lalaki sa dalawang Latina. Likuran niya pa lang ang nakikita ko. I got my sipping faster.

Hindi maaari. Hindi siya ito. Pero mukhang tatalunin ng reyalidad ang pagtutol ko sa nakikita ko.

Natalo nga iyon nang humarap siya sa camera. He did poses. Seducing poses, actually. Napalunok ako.

He's a model? At that short time, he became a Cosmo model?

Naka-focus ang camera sa kanyang mukha na tila pawis na pawis dahil sa init ng araw. His hair... A little bit disheveled.

Pababa iyon sa kanyang katawan. He's half naked for Christ's sake! Okay. Calm it down, Parisha.

Broad chest and six square cuts are really on point. Nakita ko na iyon sa malapitan noon sa GNS. But I guess they are more defined now.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon