Chapter 12 Beginning of LOVE

Start from the beginning
                                    

Tinaas nya ang paa ko at tinignan nya ito, wala namn daw bali medyo na sprain lang daw ng kunti mga 3days bago ko daw mailakad ng mabuti…

Pakaalis ng doctor ay medyo ginagalaw galaw ko ang paa ko. Nang pipilitin ko na ulit tumayo at bigla akong nagulat ng magsalit si Vincent sa likod ko.

“Diba kakasabi lang ng doctor hinayhinay lang, at wag mong pilitin kung hindi pwede.”

“pwede ba akong….alam muna..yung..”

“yung alin???” mukong na ito di ata ako naintindihan..

“restroom…”

“ahh…sure you can use the guest bathroom..”

“pwede mo ba akong tulungan, kahit hanggang pinto lang..” Walang alinlangan namn akong binuhat ni Vincent at dinala sa guest room ng bahay nya.

“Sigurado ka bang kaya muna, ayaw mo bang samahan kita.” Bigla akong napatingin sa kanya.

“Nagbibiro lang ako…joke lang yun.” Sabi nito tsaka siya ngumiti at lumabas.

6pm na ng maisipan kung umuwi, pero di pa rin siya pumayag gusto nya na kumain muna daw kami bago nya ako ihatid sa bahay.

“masakit pa ba ang paa mo?” tanong nya habang kumakain kaming dalawa.

“Medy okay na siya, siguro pag dating mamaya sa bahay ipapahinga ko nalang ito.” Tumango lang ito

Nasa tapat na kami ng apartment ng biglang lumabas sina aling lorna at jonard at may dalang payong..

“naku ikaw na bata ka bakit ka ba nagpapagabi huh, napano yang paa mo?” tumingin si aling lorna kay Vincent.

“Maganda gabi po..salamat sa paghatid sa kanya.”

“wala po yun. Sige po mauna na po ako. Uhm Lucille.. don’t come to work until next week kailangan mo ng pahinga, okay bye”

“Pe-pero….”

“Wag ka na ngang umangal, Boss na nagsabi non” sabi ni jonard sa akin habang akay akay nya akong papasok sa loob ng apartment ko.

Vincent’s POV

            Pagkahatid ko kay Lucille ay naisipan kung dumaan sa bar ng kaibigan ko sa may ortigas.

PAgpasok ko palang sa loob ay natanaw ko na ang kaibigan ko na nagseserve ng drinks..

“Pare kamusta?” sabi ko habang paupo ako doon.

“Oi nandito ka pala, kala ko ba ayaw mong nagpupunta dito kasi alam muna.” Ang tinutukoy ni Marlon ay dito ko nakilala ang ex ko si Shen…

We been together for almost 2 years, pero matagal na yun, naka move on na ako.

“binibisita ka pare, bakit masama na ba akong pumasok, di ko nakita pangalan ko sa labas ehh”

“naku angbibiro lang ako, ikaw namn…Anong gusto mong drink?”

“Gaya ng dati..”

“So kamusta naman, ngayun ka lang nagpakita, nandito si Richard kahapon hinahanap ka.”

“okay lang namn ako, subrang busy sa opisina alam mo namn si mama at papa, lagi nalang nag aaround the world..kaso mukhang nag iba ang ihip ng hangin at nagtagal sila sa Cebu, alam mo bang mag 5month na sila doon, nakabili na rin ng Bahay si daddy.”

“Wow bro, mukhang kinakarir na talga ni parents mo ang pag hahanap ng ipapareha sau.”

“sinabi mo pa, alam mo bang pinauwi rin nila ako para makilala ang isang girl, pero umalis daw at di na nagpakita. Mabuti naman..”

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now