Last chapter: JS prom

Start from the beginning
                                    


Eto na nga, pagpasok sa hotel ay sinalubong kami ng lamig. Bigla akong kinabahan na parang naexcite. Hindi ko alam kung anong tawag sa feeling na 'to.


"Prend..." kumapit ako kay Millie, kami ang nahuhuli dahil nauunang maglakad sina Caile papunta sa hall namin. "Prend, ang lamig." pinahawak ko sa kanya ang kamay ko. Malamig nga talaga pero hindi naman nanlalamig ang kamay niya, itong akin lang.


"Lamig nga niyan prend. Kailangan ng pampainit."


Parang may ibang meaning ang sinabi niya kaya nilingon ko siya. May nginuso siya sa'kin, tinignan ko naman iyon at si Rainbow ang nakita ko, dashing in his white tux. 


Fuck, ikakasal ang peg niya. Ang gwapo, infairness.


"Ano, hindi ka na nilalamig?" biglang tanong ni Millie na hinahatak na ako papasok ng function room. 


Disoriented na sinagot ko siya. "Huh?"


"Wala, prend, pasok na tayo bago ka pa maglaway." 


Kung malamig sa labas, mas malamig pa pala sa loob. Nakakaawa ang mga babaeng nakasleeveless, may mga naka-see through pa.


Saka ko naalala si Ishii.


Nandito na ba 'yon?


Sinubukan kong daanan ng tingin lahat ng lamesang nadadaanan namin ni Millie, pero nakarating na lang kami sa table namin ay hindi ko nakita ni dulo ng buhok niya. 


Naeexcite pa naman ako sa ayos niya. Kanina ko pa iniisip kung mukha ba siyang tao o mukhang hinugot na tao sa coloring book. Pero base naman sa nakitang picture nina Nikko sa IG ni Ishii, para namang mukha siyang tao.


Nasa'n na ba kasi 'yon?


Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya pero natanaw ko si Ria bago pa ako makapagdial. Nilapitan ko muna siya, nag-iisa lang naman siya sa sulok eh.


"Pssst."


Napalingon siya sa'kin at agad na ngumiti nang malaki nang makita ako. "Uy, Nathe. Pulang pula ka ah, lipstick na lang kulang."


Pinitik ko ang ulo at kunwaring nilagay  ang buhok sa likod ng tenga. "Ganda ko 'noh?"


"Hahahaha, no. Ang gwapo mo ngayon." she said truthfully. Para namang kinilabutan ako doon. 


I changed the topic.


"Have you seen, Ishii?" tanong ko saka sandaling ginala ang paningin ko, baka makita ko na siya this time. 


"Hindi pa nga eh. I am looking for her too, wala kasi akong makausap."


He's MineWhere stories live. Discover now