Ch. 16: Fieldtrip -part II

184 14 1
                                    


Mishiela Salvador


"Wala akong constant friend" ang sagot ko kay Nathe nang magtanong siya kung nasa'n ang friends ko.


I never had a friend. Iyong totoong kaibigan. Sa dati kong schools, libro ang mga kaibigan ko. Meron man akong tinuturing na kaibigan, hindi naman mutual iyon, ang turing lang nila sa'kin ay classmate lang.


Nilingon ko si Nathe nang mapansin kong nakatingin siya sa'kin. His gaze is now soft. Kumunot ang noo ko roon, naaawa ba 'to sa'kin?


Sinuntok ko siya sa braso. Hindi ko natantiya kaya napalakas, napalayo siya ng dalawang hakbang.


"Aray! Ang sakit no'n ah." reklamo niya habang himas ang brasong sinuntok ko.


"Iyang mukha mo kasi, eh." kunot noo pa ring sagot ko.


Biglang nagbago ang expression niya, naging worried na. Gusto kong mapataas ng kilay sa bilis ng pagbabago ng expression niya.


"Anong meron sa mukha ko?"


"Ang pangit." sagot ko. Pangit naman talaga siya.


Maya-maya pa ay nag-aya akong lumapit sa dagat. Magbabasa lang ako ng paa, masyado na kasing mabuhangin at hindi ako sanay. Pero dahil si Nathe ang kasama ko, nang makalapit kami sa dagat ay bigla niya akong tinulak sa tubig.


"Nathe!"-kasabay kong nalunod ang dapat sasabihin ko pa. 


Baliw tong baklang 'to! Kalahati ng katawan ko nabasa habang ang kahalati ay naiwan sa pangpang! Agad akong tumayo at sumama sa akin ang maraming buhangin dahil ang kinabagsakan ko ay mababaw na parte pa lang kung saan ang buhangin ay natural na inaalon kasama ng alon na pabalik sa pangpang. 


Sa pagtayo ko ay bigla niya uli akong itinulak sa tubig, mas malakas kaysa sa nauna kaya napahakbang pa ako ng tatlong hakbang pasulong bago tuluyang bumagsak, this time buong katawan ko na ang lumubog. Bago pa iyon ay narinig ko pa ang halakhak niyang animo'y natutuwa.


Bwisit na taong 'to! May sa-demonyo ata talaga 'to, eh!


Mabilis akong tumayo nang makuha ko ang balane ko. Hinanap agad siya ng mata ko pero hindi ko siya maki—


Napatili ako nang may humawak sa binti ko mula sa ilalim and before I could do anything, nailublob na naman ako ni Nathe sa tubig.


Papatayin niya ba ako?!


Imbis na agad na tumayo ay nagrelax ako sa ilalim at hindi muna umahon. Kung hindi ko siya makita sa ibabaw, baka dito sa ilalim makita ko siya. Sirena siya, after all.


And there, nakita ko ang binti niya. Agad akong lumangoy palapit sa kanya pero bigla siyang lumubog dahilan para magcreate iyon ng magbubbles sa paligid. Nang magsubside ang bubbles ay laking gulat ko nang mukha niya ang sumalubong sa'kin.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon