"Ma'am." I raised my hand. Napalingon sila sa'kin. "Mali po kayo ng tawag, Rainbow and Mishiela po dapat." some students burst into laughter. Umiling lang si ma'am, sinasabing mali ako at siya ang tama.


"Iyan kase, hindi ikaw tinawag, di'ba? Oh wag nang aagaw eksena." that's Nathe's voice. Hindi ko alam kung nasa'n siya pero alam kong malayo sa'kin yon. Sinakyan ko na lang siya.


"Che!" sagot kong nag-echo pa sa hall.


Once again, they burst into laughter. Sige lang, happy akong napasaya ko kayo.


Nagcontinue na si ma'am. Ang dami talaga namin, ang tagal matapos. Akala mo nasa public school kami sa rami eh. Pero naman kasi, Thelistine ang nag-iisang school sa loob ng village na 'to at sa mga katabi pang villages. Malayo na ang sumunod na school. Nasa isang oras ata ang byahe from here.


"Mishiela Salvador of IV-B Newton and," that's me! "Nathaniel Herrera of IV-A Newton."


Woah. Automatic na napangiti ako and by now my heart is jumping from north to south to east to west inside my chest pero I suppressed it, baka may makapansin.


"M-Ma'am?!" kunwaring  protesta ko, nanlalaki pa kunwari ang mata at bibig.


Mamaya kaka-acting ko rito makatanggap na ako ng award. How I wish!


"AYIEEEEEE!" tudyo ng marami.


"Wag kang umangal, akala mo naman..." si Nathe, and there, nakita ko na siyang patayo. 


Tumingin ako kay ma'am, nanghihingi ng confirmation na siya talaga ang partner ko. Sinenyasan niya lang akong tumayo. Kunwaring napadabog pa ako bago tumayo. Dahil kailangan naming magtabi, nagtabi kami.


"AYIEEEEEEEEEEEE!"

"Di'ba friends na kayo?!"

"NEW SHIP!"


Poker faced siya, ako naman kunwari nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Ewan ko ba kung bakit tumagal ng ganito ang trip namin.


Nagpatuloy na si ma'am.


"Oh wala nang nakatingin, ayusin mo na ang mukha mo." pasimpleng bulong niya sa'kin habang sa harap lang niya nakatingin.


"Ang galing, partners tayo." pasimple ko ring sagot.


"Syempre, we manipulated the pairings eh."


Napalingon ako sa kanya.


"Kayo? Ng mga kaibigan mo?" tumango siya ng very light. "Really?"


He's MineWhere stories live. Discover now