He half smiled. "Duh. Syempre kailangan gumawa ng paraan, kung hindi, hindi tayo ang partner" sagot niya at sandaling lumingon sa'kin para kumindat. Agad din niyang ibinalik ang atensyon sa harap na parang walang nangyari habang napako ang paningin ko sa kanya.


Hindi ako nakasagot. Darn! bakit siya nagwink? Iyong puso ko mas lumakas ang talon, meron nang from north to northeast to southeast and southwest to northwest. 

***

1 week before JS prom, medyo irregular classes na ang amin. Every after lunch kasi ay bumababa kami ng hall para magpractice. Syempre si Nathe na nga ang partner ko. Nakakailang siyang ka-partner, wala namang pumapansin na sa'min pero naiilang pa rin ako.


"Uy." bulong niya. Kasalukuyan kaming nasa practice, nakatigil kami dahil hinihintay pa naming matapos ang chain keme na part ng sayaw.


"Bakit?"


"Red dapat ang gown mo ha?"


Napalingon ako sa kanya. "Red? Bakit?"


"Wala lang."


Hindi ako naniniwalang wala lang, kaya naman kinulit ko siya kung bakit, pero puro hindi naman matino ang sagot niya kaya nanahimik na lang ako. Mamaya kakausapin ko si mama na bumili na rin kami ng masusuot ko for JS. Anong red ba? Scarlet or royal red?


Nang matapos ang practice namin sa Rigodon ay umupo muna kami sa may bleacher, malayo sa iba. Cotillion naman ang magpapractice, special dance na piniperform ng special students sa school.


"Ship Aimee and Caile talaga." bulong ko habang pinapanood si Caile na may partner na iba para sa Cotillion kung saan siya belong.


"Umalis siya without saying goodbye to Caile." inabutan niya ako ng pamunas saka tumalikod sa'kin. "Likod ko nga..." utos niyang naintindihan ko agad kung ano.


Tinignan ko siya, "Mukha ba akong nanny?"


"Yes. Kaya go, pawis na eh. Malamig mamaya pagbalik natin sa Newton, matutuyuan ako ng pawis, magkakasakit ako, hindi ako makakapuntang JS, wala kang partner. Kaya punasan mo na 'yan." bahagya niyang itinaas ang polo niya mula sa likod, pinunasan ko nga ang likod niya. I'm starting to like taking care of him na, kahit ganito lang, natutuwa ako. 


"Ishii, you're smiling." puna niya. Pagtingin ko sa kanya, nakalingon siya sa'kin. Tinapos ko na ang pagpupunas ng likod niya saka ibinalik sa kanya ang towel.


Nagpakatotoo na ako. "Kasi eh, feeling ko baby kita."


He suppressed his smile but didn't succeed. "Baby? Alam kong baby faced ako pero para mafeel mo na parang baby mo 'ko? Ishii naman... hahaha."


"What? Anong masama daon? Parang baby kita, gusto kong i-baby ka. Anong masama?"


Umiling siya. "Walang masama, pero kesa ako ang i-baby mo, ibibili nalang kita ng tuta."


"Tapos siya gagawin kong boyfriend. Hmmm, pwede."


"You can't provoke me."


"I am not provoking you." wala namang ka-provoke provoke roon eh. 


Akala niya siguro I'm implying na kukuha ako ng tuta at gagawing boyfriend kasi siya ay hindi ko naman boyfriend. Sa akin nanggaling na ayaw ko muna ng label at siya rin naman ganoon ang gusto, bakit ko siya ipo-provoke ngayon? I'm enjoying everything as is.


Hindi na kami nagkapag-usap uli nang may pumwesto na kaklase ko malapit sa'min. Inisip ko na lang ang papalapit na JS prom. Kung last year excited ako doon dahil first time ko maiexperience, ngayon naiexcite ako dahil sa partner slash ka-date ko.


Shit, ka-date raw. Para akong kinikiliti dahil sa thought.


Tahimik kong pinapanood ang mga nagpapractice sa grounds nang makaramdaman ako ng daliring sumundot sa tagiliran ko. Tahimik akong napaigik saka nilingon si Nathe na nakatingin sa harap habang nagpapatay malisya. Sinulyapan ko ang paligid, medyo maraming students ang nasa paligid namin kaya hindi ako makaganti.


Bwisit na 'to, nananadya.


Inulit pa niya ng ilang beses ang ginagawa. Pinipigil ko lang ang kiliti ko pero nang hindi makatiis ay kinuha ko uli ang malaking towel niya sa itinakip iyon sa isang kamay ko. Inabot ko ang kamay niyang nangingiliti gamit ang kamay kong may towel na taklob at mabilis ko namang nahuli iyon. I clasp our hand together under the towel at nahuli kong napangiti siya roon nang hindi inaalis ang paningin sa harap. Napangiti rin ako saka ibinaon ang kuko ko sa likod ng palad niya bilang ganti sa kanya at mas lalong napangiti nang siya naman ang mapaigik sa sakit.


Akala mo ha.

________________________________

He's MineWhere stories live. Discover now