"Tumayo ka nga diyan! Oo na pinapatawad na kita!" sabi ko. Sumunod naman siya sa akin.

"Talaga? Kiss mo nga ako."

Teka lang, ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko kanina pa ako namumula dito.

"Joke lang. Sige Rona, una na ako. I is still less than 3u." sabi niya at umalis na. Anong pinagsasabi nun?

(Don't tell the meaning, sa nakakaalam. Hehe, para thrill ganon.)

I is still less than 3u? Ano yun, algebraic expression? Sakit sa utak, jusko.

3 weeks later

"Good afternoon, sir. Welcome to Whalien 52. What's your order?" sabi ko. Nagtratrabaho kasi ako ngayon.

"One Lee Rona please." sabi nung lalaki. Napatingin naman ako kung sino yun at nagulat. Anong ginagawa niya dito?

"Yes, I'm Lee Rona. What's your order?" pagmamaang-maangan ko.

"Mag-usap tayo."

"Sir, kung hindi kayo mag-oorder pwede na kayong umalis. Marami pang tao ang nakapila. Next please!"

"Fine, I'll wait for you." sabi niya at umalis. Ano ba kasi ginagawa niya dito? Hindi ko siya kailangan at hinding-hindi ako sasama sa kanya.

Nung natapos yung trabaho ko, sakto namang tumawag si Jimin sa akin.

"Rona, asan ka ba? Kanina pa ako nag-aantay sayo sa bahay natin. Tatlong linggo ka ng ganyan, saan ka ba pumupunta ah?" bungad niya.

"Pauwi na ako."

"Saan ka ba? Susunduin nalang kita. Gabi na kaya, mapahamak ka pa."

"Asan ako? Secret, huehue. Basta! Bye." sabi ko at binaba na yung tawag. Tatlong linggo na kaming okay ni Jimin. Wala na rin yung mood swings niya.

Tinatawag na niya yung bahay niya na bahay namin. Tapos yung isa sa mga kinagulat ko ay yung sa kwarto na niya ako pinapatulog at siya na doon sa sala. Basta, bigla siyang naging sweet sa akin.

Pero kahit ano mang kasweetan ang ipakita niya sa akin, hindi na ako umaasa sa kanya. Sila pa rin ni Hani at pagod na akong umasa, masakit eh.  May mga tao talagang mag-iistay sa puso natin pero hindi sa tabi natin.

Aalis na sana ako sa Whalien 52 nang may humawak sa braso at paglingon ko ay nakita ko nanaman siya.

"Kanina ka pa eh! Ano ba kailangan mo?!" tanong ko sa kanya.

"Gusto kang makita ng nanay mo." nanay? Ano yun? May ganun pala.

"Edi bigay mo sa kanya picture ko! Wala akong pake sa kanya!"

"Gusto ka niyang makasama ulit."

"Wala na akong nanay kaya lubayan niyo na ako!" sabi ko at umalis na. Pagkadating ko sa bahay namin ni Jimin, nakasimangot niya akong sinalubong.

"Rona, kanina pa kita inaatay. Saan ka ba nagpunta ah?" nag-aalala niyang tanong. Kaysa sa sagutin siya, dire-diretso akong naglakad papunta sa kwarto niya at nilock yun.

"Oy Rona!" sigaw niya habang kumakatok.

"Jimin, pagod ako! Iwanan mo muna ako!" sigaw ko. Tumigil naman siya.

"Okay, sorry. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi niya at narinig ko nalang siya na naglakad palayo.

Pagkaalis niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now