Chapter 20 Unreachable Hope

Start from the beginning
                                    

Agad na dumiretso ang tatlo sa loob ng kwarto ni Nicole. Doon ay naabutan nilang nanonood ng telibisyon ang ama ni Nicole habang umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo sa tabi ng katawan ni Nicole.

"Sana isang magandang balita ang makuha ko," ang sabi ni Nicole. "Sana sabihin ng doktor ko na bumubuti na ang lagay ko."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang mainggit sa balitang natanggap ni Lance, bulong ni Nicole sa kaniyang sarili.

Mahal ko si Lance at napakasaya ko para sa kaniya, pero umaasa ako na sana ganoon din ang balitang matanggap ko. Mas matagal ako ng isang buwan na comatose kay Lance, kaya naman siguro naiintindihan niyo ako kung bakit medyo umaasa akong makatanggap din ako ng magandang balita hindi ba?

Paano kung gumising na si Lance? Paano kung pagkagising niya ay hindi niya maalala ang tungkol sa akin? Paano kung tuluyan niya akong makalimutan kapag nakabalik na siya sa mundo niya?

Ano ba iyan, napaparanoid na naman ako. Gustong gusto ko lang din kasing magising na, gusto ko nang mayakap ang Daddy ko. Gusto ko nang makabalik sa dati kong buhay. Ayoko na nang ganito, ang hirap-hirap mabuhay na para ka rin namang isang patay. Parang anong sense pang buhay ka kung para ka rin namang patay na dinadaan-daanan at hindi nakikita o naririnig ng mga tao?

Natigilan sa pagiisip ng napakalalim si Nicole nang biglang maramdaman niya ang isang kamay sa kaniyang balikat. Ipinaton ni Lance ang kaniyang palad sa kanang balikat ni Nicole. "Okay ka lang ba?" usisa nito.

"Oo naman," ang sagot naman ni Nicole

"Kanina ka pa walang imik sa baba eh," ang sabi ni Lance. "Tapos ngayon parang ang lalim ng iniisip mo."

"Wala, huwag mo nang isipin iyon," aniya ni Nicole.

Napabuntong hininga si Lance at hinawakan ang mga kamay ng kaniyang kasintahan. "Alam kong hindi pa tayo ganoon katagal na magkarelasyon pero I know for a fact na sa tuwing sinasabi mong wala lang ang isang bagay eh actually may bumabagabag sa iyo."

Napangiti lamang si Nicole sa sinabi ni Lance.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema. Boyfriend mo 'ko hindi ba?"

"Wala ito, ano ka ba. Masiyado kang nag-iisip."

"Ako pa ang masiyadong nag-iisip ngayon? Ikaw kaya itong kanina pa malalim ang iniisip."

Ganun na ba ako ka-obvious? ang tanong ni Nicole sa kaniyang sarili.

Binitiwan ni Nicole ang mga kamay ni Lance. Umupo siya sa tabi ng kaniyang katawan at pinagmasdan niya ang kaniyang sarili na matulog. Hinaplos niya ang noo ng kaniyang katawan na parang bata itong natutulog sa kaniyang tabi.

"Naisip ko lang kasi kung anong mangyayari kapag nagising na ang isa sa atin," ang sabi ni Nicole.

Hindi nagsalita si Lance ngunit hindi din niya inasahan na sasabihin iyon ni Nicole. Hindi siya nagsalita at hinayaan na lamang si Nicole na magpatuloy.

"Naisip ko lang kung paano kung nagising na ang isa sa atin at hindi na niya maalala ang tungkol sa mga nangyari dito."

"Iniisip mo na kapag nagising ako ay makakalimutan kita?" ang tanong ni Lance. "Iniisip mong magigising na ako, tama ba?"

"Pero bumubuti na ang lagay mo," ang sabi ni Nicole.

"Guys, nandito pa ako. Bakit parang mag-aaway na kayong dalawa? Chill lang," ang sabi ni Rafael ngunit tila hindi siya narinig ng dalawa.

"At minamasama mo iyon, ganoon ba?" ang tanong ni Lance. "Minamasama mong gumagaling na ako?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," ang sabi ni Nicole. "Masaya ako na gumaganda na ang kondisyon at kalagayan mo. What I mean is natatakot ako na hindi ganoong balita ang marinig ko."

Heart Over Matter 3Where stories live. Discover now